Liza Soberano, Enrique Gil spotted together matapos ang diumano'y hiwalayan | Bandera

Liza Soberano, Enrique Gil spotted together matapos ang diumano’y hiwalayan

Therese Arceo |June 01,2023
facebook
share this

Liza Soberano, Enrique Gil spotted together matapos ang diumano’y hiwalayan

Therese Arceo - June 01, 2023 - 07:02 PM

Liza Soberano, Enrique Gil spotted together matapos ang diumano'y hiwalayan
PAGKATAPOS mabalita ang diumano’y paghihiwalay ay makikitang magkasama sina Liza Soberano at Enrique Gil sa larawang kumalat agad online.

Ang naturang larawan ay ibinahagi ng dating road manager ng dalaga na si Maquie Raquiza Sarmiento na naka-base na sa Amerika at kasalukuyang bumisita sa Pilipinas.

Ibinandera nga ni Maquie sa kanyang Instagram page noong Miyerkules, May 31 ang mga larawan niya nang bumisita sa bansa. Isa sa kanyang mga ibinahagi ay ang picture kasama sina Liza at Enrique na magkatabi pa.

“Hanggang sa muli Pilipinas,” saad nito sa kanyang caption.

Bagamat hindi sigurado kung kailan kinuhaan ang litrato ay makikitang nitong Mayo lang nang bumalik sa Pilipinas si Maquie.

Marami naman sa mga fans nina Liza at Enrique ang nagpapasalamat sa kanya sa pagbabahagi ng larawan o “patunay” na hindi totoo ang chika.

Baka Bet Mo: Liza, Enrique totoong hiwalay na, magsasalita raw sa tamang panahon

“Many thanks for this lovely photo Ms. Magui and welcome back to New Jersey! You are really heaven sent. Baka naman may photo pa kayo ni Mister with the lovely couple, char,” sey ng isang netizen.

Comment ng isa, “Ingat po ate sa byahe and family. Salamat sa picture nila quen and hopie (Liza).”

“Have a safe flight @maquie & family. Thank you for sharing the picture with Hopie and Quen. You make US/the True Solid LizQuen Fans so so HAPPY,” saad ng isa.

Hirit pa ng isa, “Thank you Maquie for sharing your photos! Please continue to be a genuine friend to Liza especially when she’s here in the US. Have a safe trip home to NJ!”

Matatandaang nag-trending ang dalawa sa social media matapos ianunsyo ng dating talent manager ng dalaga na si Ogie Diaz na tuluyan na raw naghiwalay ang dalawa.

Ilang buwan na ring usap-usapan kung kumusta na nga ba ang relasyon ng dalawa dahil bihira na lang silang makitang magkasama kaya marami ang curious kung hiwalay na nga ba sila.

Nauna nang dinenay nina Liza at Enrique ang chikang break na sila ngunit marami ang hindi kumbinsido.

Kaya naman marami ang nag-react matapos i-spluk ni Ogie na wala na nga talagang LizQuen.

Samantala, wala pa namang pahayag ang kampo nina Liza at Enrique hinggil sa isyu.

Related Chika:
Hirit ni Ogie Diaz sa iniintrigang relasyon nina Liza at Enrique: ‘Abangan na lang natin kung may announcement’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique Gil sinubukan pang i-save ang relasyon nila ni Liza Soberano, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending