Hirit ni Ogie Diaz sa iniintrigang relasyon nina Liza at Enrique: 'Abangan na lang natin kung may announcement' | Bandera

Hirit ni Ogie Diaz sa iniintrigang relasyon nina Liza at Enrique: ‘Abangan na lang natin kung may announcement’

Reggee Bonoan |April 19,2023
facebook
share this

Hirit ni Ogie Diaz sa iniintrigang relasyon nina Liza at Enrique: ‘Abangan na lang natin kung may announcement’

Reggee Bonoan - April 19, 2023 - 07:33 PM

Hirit ni Ogie Diaz sa iniintrigang relasyon nina Liza at Enrique: 'Abangan na lang natin kung may announcement'

“ABANGAN natin kung may announcement,” ang pahayag ni Ogie Diaz kung magkarelasyon pa sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Malaking katanungan kasi na walang nabasang binati ni Liza ang boyfriend niyang si Quen sa nakaraang birthday nito na dati-rati naman ay mayroon bukod pa na nagpo-post ang aktres ng larawan nilang dalawa ng aktor.

Nasulat namin dito sa BANDERA na nagdiwang si Enrique ng kaarawan niya sa Enchanted Kingdom na ipinost niya sa Instagram account niya noong Abril 2 kasama ang mga kaibigan nila at isa-isa naming binasa ang comments at wala nga kaming nakita mula kay Liza.

Nabanggit din namin na baka binati nang personal ng dalaga ang binata. Pero ang ipinagtataka ng lahat ay bakit wala ng post si Liza na kasama si Quen at ito rin ang napansin din ng “Showbiz Update” hosts na sina Ogie at Mama Loi na in-upload kagabi sa kanilang YouTube channel.

“Kung mapapansin mo ‘yung mga post ni Liza sa IG ay mayroon ding direction ng puro pictorial niya (puro personal sabi ni Mama Loi) at walang post kay Quen,” say ni Ogie.

Dadag pa tungkol sa nagdaang kaarawan, “Hindi rin kasi natin alam Loi kung personal na binati o nag-video call sila kasi ‘yung mga ganu’n hindi rin para ibalandra nila sa tao o sa public para lang manahimik na ‘yung fans nila lalo na ‘yung mga nagdududa na baka split na si Quen at Liza.”

Hirit naman ni Mama Loi, “E, kasi nga ‘Nay (Ogie) nasanay na sila (fans) na nagpo-post si Liza ng birthday greetings pero ngayong taon nga raw, waley!”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz pinatunayang hindi naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil

“Pero hindi naman ibig sabihin ay split na sila dahil kung split na mag-a-unfollow-han ‘yan. Di ba ‘yan ang pinagbabatayan na kapag split na unfollow na, e, hindi naman sila nag-unfollow-han, sila pa rin,” paliwanag ni Ogie.

Nasambit ni Mama Loi na may nasulat na kinumusta raw ang relasyon nina Enrique at Liza ay sinagot daw ng aktres ay, “I’m single.”

“E, sa ‘yo ko lang narinig ‘yan, hindi rin natin alam baka nagbiro lang si Liza no’n. Abangan natin may announcement ‘yan. Pero feeling ko hindi sila split, sila pa rin,” diin ni Ogie.

Pakiwari naman ni Mama Loi, “Nasanay lang talaga ang fans na mayroon sila laging palitan (messages) sa social media kaso ngayon wala nab aka parte ‘yun ng path na sinasabi mo o strategy nila ‘yun sa social media ni Liza Soberano.”

“Less talk more pictorials of Liza,” saad ni Ogie.

Posibleng may usapan nga sina Liza at Enrique na wala munang magpo-post ng mga larawan nilang dalawa para sa pangarap nitong makapasok sa Hollywood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Liza humingi na ng tawad kina Ogie, Enrique, sa ABS-CBN at sa fans; may mensahe rin sa pumanaw na discoverer

Ogie Diaz nanghihinayang sa career ni Liza Soberano: Pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending