GMA nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE: We pray for a smooth and swift resolution of their issues
NAGLABAS ng pahayag ang GMA Network kasunod ng anusyo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon na lilisanin na nito ang TAPE Inc.
Ngayong araw, May 31, pormal nang ipinabatid ng tatlo sa publiko na matapos ang mga isyung naglipana sa mga nakalipas na linggo ay nagdesisyon na nga silang tuluyan nang iwanan ang TAPE, ang producer ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.
Ilang oras matapos ang pasabog ng TVJ ay nag-release na rin ng official statement ang GMA network.
“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga.
“GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot.
“Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.
“Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso,” buong pahayag ng GMA.
Kahit na aware ang madlang pipol na may tsansang umalis sina Tito, Vic, at Joey (TVJ) dahil nga sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan sa bagong management ng TAPE Inc. ay hindi pa rin maiwasan ng mga ito ang magulat sa biglaang anunsyo ng tatlo.
Ang TVJ kasi ang sikat na trio at ang haligi ng “Eat Bulaga” sa loob ng 44 years samantalang ang GMA network naman ang pinakamatagal na naging tahanan ng naturang noontime show.
Samantala, wala pa namang pahayag ang mga Jalosjos hinggil sa paglisan nina Tito, Vic, at Joey sa kanilang poder.
Related Chika:
Anjo Yllana sinisingil na rin ang utang sa kanya ng TAPE: ‘Para akong basang sisiw na nagmamakaawang kunin ‘yung akin’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.