Lolit Solis sa isyu sa pagitan ni Willie at Viva: Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo | Bandera

Lolit Solis sa isyu sa pagitan ni Willie at Viva: Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo

Therese Arceo |May 30,2023
facebook
share this

Lolit Solis sa isyu sa pagitan ni Willie at Viva: Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo

Therese Arceo - May 30, 2023 - 09:59 PM

Lolit Solis sa isyu sa pagitan ni Willie at Viva: Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo

NAGLABAS ng saloobin ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis hinggil sa isyu ng TV host-comedian na si Willie Revillame at Viva.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang opinyon hinggil sa isyu.

Panimula ni Lolit, “Nakakatawa iyon issue ng hindi pagkatuloy ni Willie Revillame sa tour ng Viva , Salve. Dahil daw sa laki ng komisyon kukunin ng Viva kaya umatras si Revillame.

“Para naman dahil lang duon aatras ka na eh balita na marami kang pera at dapat barya na lang ang tingin mo sa TF na makukuha mo.”

Sabi pa ni Lolit, isang malaking kumpanya ang Viva Production at dapt alam raw ni Willie ang dapat at hindi dapat pagdating sa usapan ng talent fee.

Matatandaang unang ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang vlog sa YouTube channel na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendel Alvarez na nakipag-usap si Willie sa Viva para mag-manage sa kanya.

Baka Bet Mo: Lolit Solis sa viral ‘loveteam statement’ ni Liza Soberano: Wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo!

Ngunit ilang araw matapos ang announcement ni Cristy ay ang pagkambyo ni Willie dahil nga hindi nagkasundo sa pera.

Going back sa pahayag ni Lolit, sinabi niyang matagal na ang Viva sa pagpapadala ng mga artists abroad at malaki ang inilalabas nito para sa pagpo-promote upang maging matagumpay ang concert ng kanilang mga talent.

“Ngayon lang nagkaruon ng isang star na nag reklamo tungkol sa komisyon. Katawa talaga si Willie Revillame. Lahat ng bagay meron siyang complaints. Meron siyang reklamo. Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo.

“Dahil konting bagay meron siyang nakikita. Imagine mo, baka itong concert na ito pa sana ang makatulong para mabalik ang wala na niyang ningning na career, bulilyaso pa,” sey ni Lolit.

Dagdag pa niya, hindi raw kawalan sa Viva ang pag-atras niya sa usapan.

“Ang daming artists ng Viva ang mas sikat pa kesa kay Willie Revillame noh, mas bongga at baka mas kumita pa ang concert di ba Salve at Gorgy,” hirit pa ni Lolit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya

Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending