Bea, Dominic sinisigurong may time lagi sa isa't isa kahit sobrang busy, kailangang nagde-date once a week | Bandera

Bea, Dominic sinisigurong may time lagi sa isa’t isa kahit sobrang busy, kailangang nagde-date once a week

Ervin Santiago |May 29,2023
facebook
share this

Bea, Dominic sinisigurong may time lagi sa isa’t isa kahit sobrang busy, kailangang nagde-date once a week

Ervin Santiago - May 29, 2023 - 07:31 PM

Bea, Dominic sinisigurong may time lagi sa isa't isa kahit sobrang busy, kailangang nagde-date once a week

Dominic Roque at Bea Alonzo

MULING nagpasabog ng kilig vibes ang Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos i-flex sa social media ang latest ganap nila ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Ayon sa premyadong aktres, talagang sinisiguro nila ni Dom na nabibigyan nila ng quality time ang isa’t isa kahit pa gaano sila ka-busy sa kani-kanilang respective career.

Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ng dalaga ang ilang pictures nila ng actor-entrepreneur na kuha sa kanilang “date night.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)


Sey ng Kapuso star, talagang sinusulit niya ang bawat minuto at oras ng bawat Sunday na dumarating para makabawi sa kanyang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay, kabilang na nga riyan ang kanyang pinakamamahal na poging dyowa.

Sey ni Bea sa caption ng mga ipinost niyang sweet photos nila ni Dom sa IG, “We always make it a point to go out on dates once a week (usually Sundays!)

Baka Bet Mo: Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada?

“I normally wake up late that day to recuperate from my busy week schedule, go to church in the afternoon, maybe meet up with friends or family while drinking cocktails, and have a scrumptious dinner after.

“I look forward to that one day every week before I restart on Monday,” saad nito sa kanyang post,” pagbabahagi ni Bea.

Dagdag pa ng dalaga, talagang nae-excite siya sa pagdating ng mga araw na wala siyang trabaho o anumang mahahalagang bagay na pinagkakaabalahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“I think it is healthy to have something to look forward to, whether future travels or as simple as getting excited to see your dogs and watch your favorite series after a long day’s work. It keeps the balance,” dagdag pang pahayag ng aktres.

Matatandaang sa isang vlog ni Bea sa YouTube noong November, 2022 nagpaalala siya sa kanyang fans at social media followers kung gaano kahalaga sa buhay ng isang tao ang rest days.

“It’s nice to be busy, it’s nice to be productive, it’s nice to do what you love to do, but also kailangan mo rin talaga ng time to pause and breathe,” ang advice ni Bea Alonzo.

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea kinontra ang isyung magkaiba ang level nila sa buhay ni Dominic: ‘Never akong tumingin sa estado ng isang lalaki kahit kailan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending