Basher binoldyak ni Sharon matapos sabihang sipsip kay Coco: 'Sa lahat ng nakakainis yung wala nang alam bastos pa!' | Bandera

Basher binoldyak ni Sharon matapos sabihang sipsip kay Coco: ‘Sa lahat ng nakakainis yung wala nang alam bastos pa!’

Ervin Santiago |May 29,2023
facebook
share this

Basher binoldyak ni Sharon matapos sabihang sipsip kay Coco: ‘Sa lahat ng nakakainis yung wala nang alam bastos pa!’

Ervin Santiago - May 29, 2023 - 02:19 PM

Basher binoldyak ni Sharon matapos sabihang sipsip kay Coco: 'Sa lahat ng nakakainis yung wala nang alam bastos pa!'

Sharon Cuneta, Julia Montes at Coco Martin

BASAG na basag ang isang basher nang soplahin ni Megastar Sharon Cuneta matapos itong mag-comment ng nega sa kanyang Instagran post patungkol kina Coco Martin at Julia Montes.

“Beast mode” nga ang actress-singer at TV host nang mabasa ang komento ng netizen na nagpapapansin daw siya kay Coco para mapasama siya sa teleserye nitong “FPJ’s Batang Quiapo”.

Naging bahagi si Mega ng matagumpay na teleserye ni Coco na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN na tumagal sa ere nang halos pitong taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang Instagram, nag-post si Sharon ng mensahe para kina Coco at Julia matapos ngang umamin ang dalawa na 12 years na sila ngayong magkasama.

Kalakip ang litrato nina Coco at Julia na kuha sa celebrity screening ng seryeng “Unbreak My Heart” ay ang kanyang message para sa mga anak-anakan.

“Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! Happy si Mommy ‘mysha! @montesjulia08 @cocomartin_ph,” ang masayang pahayag ng nag-iisang Megastar.

Baka Bet Mo: Basher ni Sanya sunog kay Kakai: Kung ayaw n’yo sa kanya, idulog n’yo yan sa barangay

“I became close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ’s Ang Probinsyano towards the end of 2021. Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other.

“They are happy and that makes me and so many others happy. I love them both very much – and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive – and that certainly will not change!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“I believe people should focus on what is and what will be rather than what was. Let’s all be happy with our own lives and be happy for them!” ang bahagi pa ng kanyang IG post.

Maraming IG followers si Sharon na nag-post ng magaganda at positibong reaksyon pero may isang basher nga na nambasag at inakusahan ang aktres na sumisipsip daw kay Coco para mapasama sa “Batang Quiapo.”

“Ok sige..sipsip pa more baka sakaling isama ka ni Coco sa Batang Quiapo,” ang sabi ng epal na basher.

Hindi ito pinalampas ni Sharon at talagang binoldyak ang hater, “Excuse me? Saang planeta ka lumaki? May sarili akong mga trabaho. Busy ako.”

Bwelta pa sa kanya ni Sharon, “Lumagay ka sa tama. Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista yung wala nang alam bastos pa,” banat pa ng Megastar.

Pagtatanggol pa ng aktres sa kanyang sarili, “Ewan ko kung ilan pa kayong parang walang alam. Sa Probinsyano ako ang inimbita di ako nagpresenta.

“Pag ako nagpresenta ng sarili ko, yun ay para makatulong hindi para matulungan. Dalawa parating kong teleserye at may movies ako,” resbak pa ni Ate Shawie na halatang na-bad trip nang bonggang-bongga sa pangnenega ng basher.

Basher supalpal kay Moira sa isyu ng pagbubuntis: Itigil mo yang pagsukat ng halaga ng babae sa kung kaya niya mag-anak o hindi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon basag na basag na naman ang puso: Today is actually a very sad day for our whole family…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending