Sunshine feeling blessed sa maayos na relasyon nila ni Cesar at ng bagong dyowa nito: 'Time heals all wounds, wala nang sugat' | Bandera

Sunshine feeling blessed sa maayos na relasyon nila ni Cesar at ng bagong dyowa nito: ‘Time heals all wounds, wala nang sugat’

Ervin Santiago |May 28,2023
facebook
share this

Sunshine feeling blessed sa maayos na relasyon nila ni Cesar at ng bagong dyowa nito: ‘Time heals all wounds, wala nang sugat’

Ervin Santiago - May 28, 2023 - 07:50 AM

Sunshine feeling blessed sa maayos na relasyon nila ni Cesar at ng bagong dyowa nito: 'Time heals all wounds, wala nang sugat'

Cesar Montano, Sam Cruz at Sunshine Cruz

“TIME really heals all wounds. I think its about time,” ang nakangiting sagot ni Sunshine Cruz tungkol sa maganda at maayos ng relasyon nila ng kanyang ex-husband na si Cesar Montano.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Shine sa ginanap na mediacon ng teleseryeng “Unbreak My Heart” last Thursday, May 25, at kinumusta nga sa kanya ang “blended family” nila ngayon ni Cesar.

Maayos na maayos na kasi ang relasyon nila ng dating asawa, at naging magkaibigan pa nga sila ng live-in partner ngayon ni Cesar na si Kath Angeles matapos magkasama sa ilang mahahalagang okasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


Regular ding nakakasama ni Buboy (palayaw ni Cesar) ang tatlong dalagang anak nila ni Sunshine. Huli silang nakapag-bonding lahat noong Bagong Taon ng 2023.

“Time heals all wounds. I think it’s about time and I feel and I see that my kids are really very, very happy everytime that they would go out with Kath and with Cesar.

“And may mga milestone sa bata na kailangang sini-share ng parehong magulang. It feels good na New Year, birthday ng mga anak ko, graduation na nandoon kami both.

Baka Bet Mo: Cesar Montano senior citizen na, super happy nang makumpleto ang anak sa 60th birthday party

“And wala na talaga, wala nang sugat, wala nang anything and it’s just really a blessing na of course pati ‘yung partner ni Cesar na si Kath ngayon ay naging bridge rin talaga na maging close ang lahat,” lahad ng aktres na ang ganda-ganda at super sexy pa rin.

“And the kids are very happy with that. Of course kapag masaya ang mga anak mo, buhay ko ang mga anak ko. It makes me the happiest,” dagdag pang chika ni Shine.

“So, I think talaga kapag mabait ang partner (si Kath) lalong babait ang tao (Cesar). It’s really possible. Lahat naman tayo…kung ang Diyos nga nagpapatawad, bakit tayo hindi?

“And kung ang sugat naghihilom, di ba, so bakit hindi ka rin maghi-heal from everything that has happened in the past?” pahayag pa ni Shine.

Samantala, feeling blessed din si Sunshine dahil tuluy-tuloy pa rin ang kanyang work. After ng afternoon series niya sa GMA 7 ay may kasunod nga agad ito, ang unang collaboration ng Kapamilya at Kapuso Network na “Unbreak My Heart.”

Ito’y pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia at Joshua Garcia, sa direksyon nina Dolly Dulu at Manny Palo mula sa Dreamscape Entertainment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“Sobrang grateful and blessed kasi dire-diretso talaga ang work. And of course nakakatuwa kasi blessing for me ito and it’s a dream come true to be able to work with Jodi, Papa Chen (Richard), Gabbi and Joshua kasi the last time na katrabaho ko sila picture lang ako tsaka flashback scene sa Be Careful with My Heart and that was 2012,” pagbabalik-tanaw ni Sunshine.

Nang ialok daw sa kanya ang serye, guest appearance lang siya sa ilang eksena sa Milan, “So sabi ko sige na kahit guest lang. And thank God na I got a good news pag-uwi ko rito from Milan, makakasama na ako sa cast, regular cast. So, another blessing for me talaga”

Tatalakayin sa “Unbreak My Heart” ang istorya ng isang bawal na pag-ibig ang magdadala ng sakit at hinagpis sa mga karakter nina Jodi, Richard, Gabbi at Joshua.

Iikot ang kwento  kay Rose (Jodi), isang babaeng durog na durog ang puso dahil sa kanyang masalimuot na nakaraan at ngayon ay gustong mabuo muli ang kanyang pamilya matapos niya itong iwanan.

Sa kalagitnaan ng pagtatama ng kanyang mga kasalanan, mahuhulog ang loob ni Rose kay Renz (Joshua), isang naggwagwapuhang lalaking magiging sandalan niya sa kabila ng mga personal na problema nito at mauuwi sila sa kapana-panabik na May-September love affair.

Sa kabila nito, makikilala ni Renz ang isang sexy at magandang babaeng si Alex (Gabbi) na handang ipaglaban ang kanilang nabuong pag-iibigan.

Magiging komplikado ang buhay nina Rose, Renz, at Alex dahil maiipit sila sa love triangle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


Iigting pa lalo ang kanilang mga emosyon dahil sa patung-patong na mga problema nang sumulpot si Matt (Richard) sa kanilang mga buhay para protektahan ang pamilya niya.

Ipaglalaban pa ba ni Rose si Renz kahit nasasaktan na ang kanilang mga damdamin? Kaya pa bang maghilom ang puso ni Rose sa kabila ng pangingialam ni Matt?

Kabilang din sa serye sina Laurice Guillen, Eula Valdes, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, at Mark Rivera, pati na ang up-and-coming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo, at Bianca de Vera.

Huwag palampasin ang premiere episode ng “Unbreak My Heart” sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies ngayong May 29, 9:35 p.m., 11:25 p.m. sa GTV, at panoorin ito 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu simula Mayo 27.

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sam Cruz sa muling paglalapit nila ng amang si Cesar Montano: People can change

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending