Joshua Garcia inamin ang estilo ng pakikipaghalikan sa tunay na buhay, may pa-‘tongue’?
ALAGANG nawindang ang madlang pipol sa naging pag-amin ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ukol sa kung paano siya humalik.
Nag-guest kasi ang binata sa Kapuso show na “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, May 25, para i-promote ang kanilang teleserye na “Unbreak My Heart”.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama ang ABS-CBN, GMA-7, at Viu para sa isang proyekto na pagbibidahan nga nina Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Gabbi Garcia.
At isa nga sa mga natanong ni Boy sa binata ay ang patungkol sa naging kissing scenes nito sa kanyang leading ladies na sina Gabbi at Jodi.
Agad kasing nag-trending ang halikan scene nito sa social media nang ilabas ang kanilang official trailer kung saan talagang palaban ang pakikipag-‘higupan’ ni Joshua sa dalawa.
Well hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-trending ang Kapamilya actor dahil maging ang eksena nila ni na Janella Salvador at Jane de Leon sa “Darna” ay talagang pinag-usapan rin ng madlang pipol.
Baka Bet Mo: Joshua Garcia certified ‘higop king’, Jodi Sta. Maria hindi nakaligtas
Naikuwento naman ng binata na dumaan sila sa sensuality workshop kaya naman mas naging komportable sila sa mga ganitong eksena lalo’t naipahayag nila kung hanggang saan lang ang kanilang limitasyon para sa mga ganoong eksena.
“As an actor, Joshua, ‘yung halik ba sa tunay na buhay ‘yun ba ‘yung estilo ng paghalik mo sa pelikula?” curious na tanong ni Tito Boy.
Ang nakakawindang na sagot ng binata, “Oo, yes, Tito Boy. Ang difference lang siguro is dito kasi ]sa Unbreak My Heart] walang tongue.”
Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens ang naturang kumpisal ni Joshua.
“Kaya daming gustong pumila sayo,” sabi ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Anu ba yan joshua wag masyado magkalat sa Social media. UWE NA !!!”
“Mukbang king,” hirit naman ng isa.
Related Chika:
Joshua Garcia puring-puri ng volleyball player na si Aby Maraño: ‘Napakabait niya!’
Joshua Garcia may nakakalokang ginawa matapos ma-brokenhearted, hindi naligo ng dalawang araw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.