Maja ibinunyag kung bakit nakipagbalikan sa ex-BF na si Rambo

Maja ibinunyag kung bakit nakipagbalikan sa ex-BF na si Rambo: ‘Sobrang laking bagay talaga ng family niya…’

Pauline del Rosario |May 25,2023
facebook
share this

Maja ibinunyag kung bakit nakipagbalikan sa ex-BF na si Rambo: ‘Sobrang laking bagay talaga ng family niya…’

Pauline del Rosario - May 25, 2023 - 12:04 PM

Maja ibinunyag kung bakit nakipagbalikan sa ex-BF na si Rambo: ‘Sobrang laking bagay talaga ng family niya…’

PHOTO: Instagram/@maja

NAGKAROON ng rebelasyon ang aktres na si Maja Salvador kung bakit nakipagbalikan siya sa kanyang ex-boyfriend at ngayo’y fiancé na si Rambo Nuñez.

‘Yan ay sa kabila ng naging pahayag noon ni Maja na hindi niya gawaing makipagbalikan sa past relationships.

Sa kanyang panayam kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, inamin ni Maja na malaki ang factor ng pamilya ni Rambo kaya nagkaroon pa ito ng second chance.

Kwento pa niya, kahit maikling panahon lang ang naging pagsasama nila ni Rambo noon ay naramdaman niyang naging parte na siya ng pamilya nito.

“‘Yung time namin dati, saglit lang. Pero ‘yung four months na ‘yun, sa relationship na ‘yun, hindi lang partner mo ang ico-consider eh. His family also,” sey ni Maja.

Baka Bet Mo: Wish ni Maja na makita at makilala ang tunay na ama natupad na: ‘Pero hindi po siya nagtuluy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko’

Ibinunyag ng aktres na four months lang ang tinagal nilang dalawa bago sila mag-break, pero matapos ang mahigit isang dekada ay nagkabalikan din sila.

“‘Yung three [or] four months na ‘yun, si Mom or Tita Marilen, iba ‘yung pina-feel. Pinaramdam niyang anak niya rin ako,” saad niya. 

Chika pa niya, “Noong nagkabalikan kami ni Rambo, sabi ni Mom [Marilen], kwinento niya. May interview tayo, and she was watching. Tapos ni-record niya at sinend sa group chat nila. Sabi niya, ‘Rambo, bakit hindi na lang siya ulit?’ And then, hindi alam ni Mom na magka-text ulit kami ni Rambo. 

“Noong unang date namin, sobrang laking bagay talaga na ganoon ang family niya,” patuloy niya.

Kwento rin ni Maja na kinailangan siyang i-let go ng kanyang partner para makapag-focus siya sa kanyang mga pangarap.

“Noong unang naging kami, kailangan kong i-sacrifice ‘yung relationship namin para sa family ko at sa career ko pero siya, sigurado sa’kin eh,” sambit ni Maja.

Saad pa niya, “Sinabi niya ‘yun kay Mama na if may pera lang siya, if kaya lang niya ako buhayin, papatigilin na niya ako mag-artista.” 

“Sa dami ng pinagdaanan ko, parang alam ko na kung paano iha-handle. Pero ito, new chapter. Hindi ko pa [pinagdadaanan]. So bagong-bago sa akin, bagong bago sa amin ‘to ni Rambo. At ito ‘yung second chance namin ulit sa forever,” ani pa ng aktres.

Nakatakdang ikasal ang dalawa sa darating na Hulyo matapos ang mahigit isang taong engaged.

Nauna nang ibinalita ni Maja na magpapahinga na muna siya sa pag-arte upang paghandaan ang papalapit na kasal.

“Kasi sinabi ko rin na ikakasal na ako, gusto ko ng light sana muna,” sey niya.

Patuloy pa niya, “Kasi kung gagawa ako ng teleserye or pelikula, tapos drama or action, maha-haggard ako sa kasal ko.”

“Ayoko namang mag-mukhang haggard sa kasal ko,” aniya.

Related Chika:

Maja hindi lalayasan ang showbiz kahit magpakasal kay Rambo: Siguro hihinto lang ako kapag na-preggy tayo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending