Wish ni Maja na makita at makilala ang tunay na ama natupad na: 'Pero hindi po siya nagtuluy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko' | Bandera

Wish ni Maja na makita at makilala ang tunay na ama natupad na: ‘Pero hindi po siya nagtuluy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko’

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Wish ni Maja na makita at makilala ang tunay na ama natupad na: ‘Pero hindi po siya nagtuluy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko’

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 06:59 AM

Wish ni Maja na makita at makilala ang tunay na ama natupad na: 'Pero hindi po siya nagtuluy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko'

Maja Salvador

NATUPAD ang pangarap ng actress-dancer at TV host na si Maja Salvador na makilala at makita ang kanyang tunay na ama na matagal din niyang hinanap.

Ngunit hindi rin nagtuluy-tuloy ang kanilang pagsasama bilang mag-ama dahil may sarili na itong pamilya kaya medyo naging “complicated” para sa kanila ang mga sumunod na pangyayari.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Maja napag-usapan nga ang tungkol sa tatay niya. Pagbabalik-tanaw ni Tito Boy, nabanggit sa kanya ng dalaga noon ang kagustuhan nitong makita nang personal ang kanyang tatay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kung hindi raw nagkakamali ang veteran TV host, 14 years old pa lang si Maja nang makilala niya ito na inilarawan pa niyang napakasimpleng dalagita na maraming pangarap sa buhay kabilang na nga riyan ang makita ang ama.

Baka Bet Mo: Pangarap ni Ice Seguerra na makapagdirek natupad na: Sa totoo lang, akala ko hindi na magkakatotoo

Tanong ni Tito Boy kay Maja, “How much of that girl is still there?” Na sinagot ng aktres ng, “Narito pa rin siya, ‘yung hindi nawawala ‘yung mangarap kasi para sa akin kapag natupad na itong isang pangarap na ito, hindi pa rin siya natatapos.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagpapatuloy pa niya, “Ang maramdaman ko kung paano ang magkaroon ng isang tatay sa bahay, forever ‘yun Tito Boy.

“Kung hindi ko siya maramdaman, yung makita ko lang ‘yung tatay ko. ‘Yung masabi ko lang sa mga kaibigan ko, sa mga kaklase ko na, ‘May tatay din ako, ‘di ko lang siya kasama pero may tatay ako,’” dagdag pang pagbabahagi ni Maja.

Natupad naman daw ito, pero hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang komunikasyon, “Hindi po siya nagtuloy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko.”

Paglalarawan pa niya sa relasyon nila ng kanyang tatay “Sakto lang pero masaya na ‘yung puso ko na nakilala ko siya.”

Samantala, tuloy na tuloy naman ang kasal nina Maja at Rambo Nuñez sa darating na July. Isa sa mga tatayong ninong nila ay si Bossing Vic Sotto.

Magkasama ngayon sina Maja at Vic sa pinakabagong sitcom ng GMA na “Open 24/7” with Jose Manalo, Sofia Pablo, Allen Ansay and other Sparkle artists.

Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Brenda Mage nagpaalam na sa showbiz, babalik na sa Misamis Oriental; may 1 wish na hindi natupad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending