Buboy Villar maayos ang relasyon sa ex-partner: 'Nagsi-save ako para sa future ng mga anak ko, kayod nang kayod hangga’t kaya' | Bandera

Buboy Villar maayos ang relasyon sa ex-partner: ‘Nagsi-save ako para sa future ng mga anak ko, kayod nang kayod hangga’t kaya’

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Buboy Villar maayos ang relasyon sa ex-partner: ‘Nagsi-save ako para sa future ng mga anak ko, kayod nang kayod hangga’t kaya’

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 12:40 PM

Buboy Villar maayos ang relasyon sa ex-partner: 'Nagsi-save ako para sa future ng mga anak ko, kayod nang kayod hangga’t kaya'

Buboy Villar

MAAYOS ang co-parenting agreement ng Kapuso comedian na si Buboy Villar at ng ex-partner niyang si Angillyn Gorens pagdating sa dalawa nilang anak.

Kuwento ni Buboy, ang panganay niyang si Vlanz na 5 years old na ngayon ay nasa Amerika kasama ang ina nitong si Angillyn, habang nandito naman sa Pilipinas ang bunso nilang si George, na 3 anyos pa lamang.

“Ngayon, yung panganay ko nasa Amerika kasi inaayos yung U.S. citizenship niya para maging Amerikana siya,” ang pahayag ng Kapuso comedian nang mag-guest siya sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” kahapon, May 22.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Super good kung ilarawan ng komedyante ang relayson nila ngayon ni Angillyn bilang mga magulang sa kanilang dalawang anak kaya masasabi niyang maligayan na siya ngayon sa kanyang personal na buhay.

Aniya, palagi rin silang nagbi-video call ng kanyang anak na nasa Amerika kaya alam din niya ang mga kaganapan tungkol sa bata.

Baka Bet Mo: Warning ni Robi sa botante: Piliin ang sigurado, may malinis na track record, laging nandiyan at hindi nagtatago

Nagpasalamat din si Buboy sa mga magulang ni Angillyn na walang sawang nagbibigay ng payo sa kanila para mas mapabuti ang kalagayan ng mga bata.

“Nakikinig rin talaga kasi sa mga payo ng mga magulang niya, of course, kasi sila din talaga ang nakakaalam kung paano talaga magpalaki, ano pa yung nasa magandang future ng mga anak namin.

“Dagdag na lang din po kami sa kung paano maaalagaan at mapapalaki nang maayos,” sabi pa ni Buboy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Kuwento pa ng Kapuso star, kapag meron siyang trabaho ang kanyang mga magulang ang tumitingin at nag-aalqga sa kanyang bunsong anak.

Samantala, natanong din siya kung mahirap bang mawalay sa panganay na anak. Sabi ni Buboy, kakayanin niya ang lungkot at pangungulila para sa kapakanan ng kanyang mga anak.

“Nagsi-save ako para sa future ng mga anak ko. Kayod ako nang kayod hangga’t kaya. Gusto ko lang naman, e, maranasan nila yung buhay na di ko naranasan noon.

“Si Vlanz, nandu’n siya talaga kasi inaayos lang. Pero actually, dito na talaga sila sa Pilipinas for good.

“Ginawa lang U.S. citizen ang anak ko in case lang pag merong matatakbuhan ba. Para sa future, mas okay, mas mawalak yung ginagalawan nila,” paliwanag pa ng komedyante

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Sa question naman ku g bakit sila naghiwalay ni Angillyn, “Dahil nga bata pa kami, marami din kaming pinagdaanan din talaga.

“Patience, time, kasi lalo na sa akin, parang sobrang workaholic ako, di ko talaga mabigay yung time ko as a partner,” aniya pa.

Matatandaang taong 2018 nang  maghiwalay ang dating live-in partners. Sinubukan naman daw nilang i-save ang kanilang relasyon pero hindi na talaga umbra.

Angillyn Gorens pumalag sa mga bumabatikos sa kanyang pagiging ina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang inaming may bagong ‘nilalandi’ si Lee O’ Brian: Hindi man lang nilunok ang pride

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending