Mahal ko si Angillyn...pero hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong ipaglaban | Bandera

Mahal ko si Angillyn…pero hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong ipaglaban

Ervin Santiago - October 09, 2020 - 09:32 AM

MARIING dinenay ni Buboy Villar na may third party sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-partner na si Angillyn Gorens.

Diretsong sinabi ng Kapuso comedian na marami rin siyang pagkukulang sa nanay ng dalawa niyang anak at isa nga ito sa mga rason kung bakit nasira ang maganda nilang pagsasama.

Nagkuwento si Buboy sa kanyang vlog tungkol sa breakup nila ni Angillyn. Halos limang taon din daw silang nagsama pero aniya, baka raw hindi sila talaga para sa isa’t isa.

“Ang totoo po, hiwalay na po kami ni Angillyn. Naghiwalay po kami, magtu-two years na.

“Sinubukan pa namin nu’ng unang taon na ma-develop pa ulit ‘yung spark,” simulang paliwanag ng aktor.

Lahad pa niya, “Kaya ko po inamin kasi kung sa akin lang naman kayo magtatanong, mga kaibigan alam po na hiwalay na kami ni Angillyn.

“Malaki po ‘yung respeto ko kay Angillyn. Inisip ko lang po si Angillyn kasi maraming nagtatanong sa kanya kung kumusta kami. Hindi lang siya makapagsalita.

 

“Bukas na libro po ako pero hindi lahat alam ninyo kasi kailangan may privacy pa rin po,” pahayag pa ni Buboy na nagsimula rin bilang child star at nakilala noon bilang sidekick ni Marian Rivera sa TV series na “Darna.”

Nilinaw din niya ang chika na may third party involved sa break-up, “Hindi po kami naghiwalay dahil sa third party. Marami rin akong naging pagkukulang sa kanya.

“Kung sana noon ko nakita ‘yung mga problema namin ni Angillyn, sana naging okay pa. Pero lahat ng nangyayari sa atin may dahilan.”

“Minsan kahit anong pagmamahal natin sa isang tao kung hindi talaga kayo para sa isa’t isa. Pero sana intindihin n’yo po ‘yung mga nangyayari sa amin,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa ni Buboy, “Ang maganda po ay magkaibigan kami ni Angillyn kasi may mga anak po kami. At ang mahalaga po ay napag-usapan namin na ayusin namin ‘yung pagpapalaki sa mga anak namin,” sabi pa niya na ang tinutukoy ay sina Vlanz Karollyn at George Michael.

“Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong ipaglaban. Kailangan mo rin mag-let go kung talagang mahal mo ‘yung isang tao. At ang laki ng respeto ko sa parents ni Angillyn at kay Angillyn,” sey pa ng komedyante.

“Kahit po ganito ‘yung nangyayari sa amin, nagtatrabaho si Angillyn sa Amerika para sa mga anak namin. Kung minsan hindi n’yo siya nakikita kasi nahihiya siya sa vlogs, hindi siya showy na tao.

“Totoong tao talaga siya. Kung tatanungin niyo po ako, mahal ko po si Angillyn kaso po talagang ganu’n. Siya po ang pinakamatagal ko at sa kanya lang po ako may anak,” pagkukumpisal pa ni Buboy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe pa niya sa mga tulad niyang dumadaan sa katulad na pagsubok, “Huwag po tayo manghinayang kasi lahat ng mga nangyayari sa buhay natin may purpose. Ang mahalaga po luwagaan po natin ang ating mga puso at tanggalin po natin lahat ng hate at galit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending