Yukii Takahashi, Wilbert Ross nagkadebelopan nga ba sa digital series na 'Ang Lalaki sa Likod ng Profile'? | Bandera

Yukii Takahashi, Wilbert Ross nagkadebelopan nga ba sa digital series na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’?

Reggee Bonoan |May 23,2023
facebook
share this

Yukii Takahashi, Wilbert Ross nagkadebelopan nga ba sa digital series na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’?

Reggee Bonoan - May 23, 2023 - 09:27 AM

Yukii Takahashi, Wilbert Ross nagkadebelopan nga ba sa 'Ang Lalaki sa Likod ng Profile'?

Wilbert Ross at Yikii Takahashi

MAGANDA ang year 2023 kay Yukii Takahashi dahil may tatlo siyang magagandang proyekto, nauna na nga riyan ang pelikulang “I Love Lizzy” kasama sina Carlo Aquino at Barbie Imperial.

Napapanood din siya sa TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” bilang love interest ni McCoy de Leon at bidang-bida rin siya sa online series na “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” na napapanood sa Puregold YouTube channel.

May chemistry sina Yukii at Wilbert Ross sa “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” kaya tinutukso ang dalawa sa nakaraan nilang mediacon na ginanap sa World Trade Center kasabay ng PUREGOLD 25th anniversary at 11th year ng Aling Puring Sari-sari Store Negosyo Convention.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kilig na kilig ang mga dumalo sa nasabing event kapag pina-flash sina Yukii at Wilbert sa big screen. Kaya tinanong kaagad kung okay ba si Wilbert sa dalaga.

“Puwede na, puwede na,” nakatawang sagot ni Yukii. Dagdag pa niya, “Sobrang sayang katrabaho ni Wilbert and sobrang magalang, sana, sana more work (kinilig).”

Say naman ni Wilbert, magaan daw katrabaho si Yukii kaya hindi sila nahirapan sa kanilang romcom digital series at okay na okay daw ang collab nilang dalawa.

Baka Bet Mo: Wilbert Ross thankful sa proyektong ‘Boy Bastos’, tatalikuran na nga ba ang pagpapa-sexy?

Napansin din ng media na close ang dalawa kaya natanong kung may nabuong “more than friendship” sa pagitan nila.

Say ni Yukii, “Naging close talaga kami sa series na ito but hindi lang kaming dalawa ni Wilbert kundi lahat kami (buong cast). May mga scenes kami na kailangan namin ang isa’t isa kaya close talaga kami.”

Natawa ang dalaga sa tanong kay Wilbert kung may tendency na ma-fall ang aktor sa kanya at kung boyfriend material. Biglang tinanong ng dalaga ang isa sa cast ng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” na si Marissa Sanchez na sa intindi namin ay inirereto ang dalaga.

“Mabait naman po si Wilbert, hindi na siya (Boy Bastos), magbabago na raw siya,” sambit ng aktres.

Samantala, sabay palang sinu-shoot ni Yukii ang seryeng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” at ang “FPJ’s Batang Quiapo.” Kaya paano ito naitawid ng dalaga?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Actually po, nagte-taping po kami ng Batang Quiapo habang tine-take din namin ito (ALSLNP). Hindi ko nga po alam kung paano kinaya ng katawan ko.

“Almost two weeks po akong walang tulog and biyahe lang po ang tulog ko, pero naging masaya po ako dahil sobrang gaan katrabaho ng mga kasama ko rito, ‘yung prod. Everyone there is very respectful and magalang din po,” tumatawang sagot ng dalaga.

Naramdaman daw ni Wilbert na napaka-passionate ni Yukii sa work at mahal na mahal niya kaya lalo na raw siguro kapag tao ang minahal ng aktres.

“Ako po talaga hindi ako na-attract by physical appearance, so I really love the personality ng tao and specially how they treat people like waitress mga ganyan, sa social media character wala naman akong (say), it doesn’t matter,” ani Yukii.

“Ang Lalaki sa Likod ng Profile” ay mula sa direksyon ni Victor Villanueva produced by Chris Cahilig for Puregold at kasama rin dito sina Kat Galang, Migs Almendras, Marissa Sanchez, Star Orjaliza, Moi Marcampo, TJ Valderrama, at Anjo Resurreccion.

Wilbert Ross babu na sa paghuhubad at pagpapa-sexy; pa-wholesome sa digital series na ‘Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tiktokerist Yukii Takahashi may pelikula na, napili pang co-host nina Albie at Catriona sa ‘Top Class’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending