Wilbert Ross babu na sa paghuhubad at pagpapa-sexy; pa-wholesome sa digital series na 'Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile' | Bandera

Wilbert Ross babu na sa paghuhubad at pagpapa-sexy; pa-wholesome sa digital series na ‘Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile’

Ervin Santiago |May 21,2023
facebook
share this

Wilbert Ross babu na sa paghuhubad at pagpapa-sexy; pa-wholesome sa digital series na ‘Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile’

Ervin Santiago - May 21, 2023 - 07:49 AM

Wilbert Ross babu na sa paghuhubad at pagpapa-sexy; pa-wholesome sa digital series na 'Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile'

Yukii Takahashi at Wilbert Ross

IN FAIRNESS, ang lakas pala talaga ng chemistry on and off screen ng tambalan nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi na bidang-bida sa digital series na “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile.”

Sa lahat ng mga female celebrities na naging leading lady ni Hashtag Wilbert, ang Tiktok superstar na si Yukii Takahashi ang pak na pak para sa Viva Artists Agency talent.

Kaya naman talagang inaabangan at pinag-uusapan ng kanilang mga fans and social media followers ang kanilang digital romcom serye na “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May 13 episode ang naturang programa na idinirek ni Victor Villanueva at nagsimula na ngang mapanood ang 5th episode nito kagabi, May 20, sa Puregold Channel sa YouTube. Ito’y mula sa Chris Cahilig Productions.

Last Thursday, May 18, nagkaroon ng bonggang mediacon ang nasabing hit digital series sa World Trade Center sa Pasay City kasabay ng unang araw ng “Tindahan ni Aling Puring Sari-sari Store Negosyo Convention”, na nagtapos nga kahapon, May 20.

Nang humarap na sa mga members ng press ang cast ng “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile”, doon namin napatunayan na bagay na bagay talaga sina Wilbert at Yukii. Kitang-kita na super comfortable na sa isa’t isa at feeling namin, hindi rin imposibleng magkadebelopan ang magka-loveteam.

Baka Bet Mo: Wilbert Ross thankful sa proyektong ‘Boy Bastos’, tatalikuran na nga ba ang pagpapa-sexy?

Wholesome ang karakter ni Wilbert sa nasabing serye na ibang-iba sa mga ginawa niyang projects sa Vivamax tulad ng “Boy Bastos” (na idinirek din ni Victor Villanueva), “5 in 1, High (School) On Sex”, at “Stalkers.”

“Walang sexy ito kahit konti. Nakakatawa, nakuha ako ng Puregold because of Boy Bastos talaga. Kasi napanood ni Direk Chris Cahilig at ni Miss Ivy ng Puregold, na marketing, na napanood nila yung Boy Bastos at tawang-tawa sila sa akin.

“Kaya as in way, way back pa ito, e. Matagal na nila akong miniting. Tapos ayun, kinuha nila ako because of that. Kaya sobrang thankful ko sa Boy Bastos at sa Vivamax dahil sa opportunity, na-launch ako sa project na yun,” paliwanag ng binata.

Natanong din si Wilbert kung maghuhubad at magpapaseksi pa rin ba siya sa Vivamax ngayong nakagawa ng siya ng wholesome project, “Ito, per Viva Artist Agency, so ito na po yung start ng rebranding ko.

“More on romance-comedy na po ako, rom-com. Galing na po sa kanila, e, na parang, hindi ako sure, ha, pero parang hindi na ako magse-sexy talaga,” ani Wilbert.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasama rin nina Wilbert at Yukii sa bagong “retailtInment” offering ng Puregold sina Kat Galang, Migs Almendras, Marissa Sanchez, Anjo Resurrecion, Moi Morcampo, Star Orjaliza at TJ Valderrama.

Samantala, nagpasampol din si Wilbert sa presscon nila sa World Trade Center at kinanta ang theme song ng “Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile” na may titulong “Sasabihin Ko Na,” na siya rin ang nag-compose.

“Sinulat ko siya nung second day na nagte-taping kami noon. Bigla ko lang siyang naisip. Bigla ko siyang nagawa, and then saktung-sakto, hindi pa nagagawa iyong Episode 7 pataas na script.

“Tapos parang sinabi ko kay Direk na, ‘Direk, baka puwede itong ilagay sa scene na ito.’ Nailagay naman. Ayun, sobrang happy ako. And sobrang involved ko din, I think, dito sa series na ito na may mga parts ng series na ito na talagang sobrang collab kami ni Direk.

“Nagtatanong si Direk Victor sa akin kung paano, ano ang magandang gawing eksena ganyan-ganyan.

“Kaya parang gusto kong maglagay na parang ano, e… parang impression na pag si Victor Villanueva at si Wilbert Ross, e, nagsama, it’s gonna be good. Parang ganu’n. Kaya pag nagsama kami, talagang open na open kami sa isa’t isa,” sabi pa ni Wilbert.

Wilbert Ross, Yukii Takahashi bibida sa digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Ross iniyakan ang lahat ng hirap na pinagdaanan sa buhay, inatake ng depresyon: ‘Tiniis ko lahat…I was trying to survive’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending