Raymond Salgado Top 5 finalist ng Canada’s Got Talent, mga audience nag-’boo’ nang hindi siya nakapasok sa ‘finale’
NAGTAPOS sa Top 5 finalist ang Pinoy singer na si Raymond Salgado sa international TV competition na “Canada’s Got Talent.”
Kahit hindi siya nanalo, ang narating ni Raymond sa kompetisyon ay talaga namang maipagmamalaki ng ating bansa.
Kung nasaksihan niyo ang bawat performance ni Raymond, aba, talaga nga namang lumaban siya hanggang sa huli.
Pang-world class na talento ang ipinakita niya sa CGT kaya naman ang mga judges at audiences ay laging napapatayo, napapa-wow at napapabilib sa kanya.
Sa latest episode ng CGT, ipinakita na tinanghal ni Raymond ang “Lay Me Down” ni Sam Smith upang makapasok sa finale.
Naging maganda ang komento sa kanya ng judges at mararamdaman din na botong-boto ang mga ito sa kanya upang makuha ang titulo ng CGT.
Pero naging mababa siguro ang fan vote sa kanya kaya hindi na siya umabot sa final round ng kompetisyon.
Sa Instagram video na ibinandera ni Raymond, mapapanood din na kahit ang mga audience ay hindi sumang-ayon sa pagkatalo ng Pinoy singer.
Ngunit para sa singer, mas nanaig sa kanya ang naging karanasan sa CGT dahil natupad ang kanyang pangarap.
Sabi pa niya, ang goal lang naman niya sa kompetisyon ay ipakita ang kanyang talento at magbigay ng inspirasyon sa maraming tao.
“I’m still processing what has happened but the crowd reaction alone from when I finished singing says so much to me more than winning title,” sa kanyang IG caption.
Sey pa niya, “My whole purpose in auditioning this season was to impact someone and just open my mouth to sing.”
“I won an experience I’ve dreamt of as a kid and now I’m able to tell my kids one day that I did that,” dagdag pa niya.
View this post on Instagram
Kung matatandaan, nagkaroon ng exclusive interview ang BANDERA kay Raymond noong Abril at naikuwento nga niya sa amin na dream come true ang pag-audition niya sa nasabing kompetisyon, lalo na’t maraming mga Pinoy ang kanyang mai-inspire.
Mensahe pa niya sa mga Pinoy, maging proud at huwag matakot na ipakita sa buong mundo ang inyong talento.
“Being Filipino has always meant being proud of who you are, don’t be afraid of your dreams, and when you have a talent that inspires and encourages people, that’s a gift from God,” sey ni Raymond.
Aniya pa, “My goal is to inspire people from my race as a Filipino, in the LGBTQ+ and for anyone who has a dream to pursue it. Enjoy life young or whenever you are given an opportunity to take it without hesitation.”
Related Chika:
Raymond Bagatsing may trauma na nga ba sa pag-aasawa pagkatapos magpakasal ng 2 beses?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.