LA, Kira ‘extra challenge’ sa shooting ng ‘Maple Leaf Dreams’ sa Canada
TRAILER pa lang ng pelikulang “Maple Leaf Dreams” nina LA Santos at Kira Balinger ay tumatagos na agad sa puso, lalo na sa aming mga anak ng OFW.
Tungkol sa isang young couple na nakipagsapalaran sa Canada ang “Maple Leaf Dreams” at kung paano sila patuloy na lumalaban sa buhay kahit malayo sa kani-kanilang mga pamilya.
In fairness, halos lahat ng mga pelikulang may temang OFW ay sinusuportahan ng mga Pinoy viewers dahil bukod sa relatable ang mga kuwento ay parang nakapaglibot ka na rin sa iba’t ibang bansa.
Baka Bet Mo: Benedict Mique ibabandera ang iba’t ibang kapalaran ng mga OFW sa Canada; walang balak manirahan sa ibang bansa
Ayon sa direktor ng movie na si Benedict Mique, 80 percent ng mga eksena sa bago niyang obra ay kinunan sa Toronto, Canada kung saan maraming naninirahan at nagtatrabahong mga OFW.
View this post on Instagram
Bilang gaganap na mga OFW, talagang dumaan pa sa immersion sina Kira and LA para mas maging natural at makatotohanan ang kanilang aktingan.
Nag-work pa talaga nang ilang araw si LA sa isang karinderya habang sumabak naman si Kira bilang supermarket staff sa loob ng isang linggo.
“Ipakikita namin ‘yung experience, ‘yung emotion po ba na hindi po namin na-experience sa totoong buhay. So ‘yun po ‘yung naging responsibility namin na medyo mabigat, pero the struggle was nag-immersion po kami.
“Nag-commit po kami. Nag-workshop po kami nang maraming beses. So ‘yun, lahat ng ‘yun kailangan naming ma-process, matandaan at dalhin po namin ‘yun sa Canada para magawa po namin nang tama ‘yung role namin.
Baka Bet Mo: Kira Balinger idol na idol si Liza Soberano, bibida sa pelikula na gagawin sa Canada
“So para sa akin, yung struggle was mostly emotionally, du’n sa character,” ang pahayag ni Kira about her character sa movie na isa sa mga official entry sa Sinag Maynila Film Festival 2024.
Sey naman ni LA, “Ako naman po siguro ‘yung challenges ko, ‘yung stress na paulit-ulit na lang ako. Kasi po, medyo mahirap din po talaga ‘yung nagawa po namin yung pag-shooting po sa Canada.
“Dahil very limited po yung oras, saka very… ‘yung paglipat pa po, at ‘yung schedule po, talagang naging challenging po siya sa Canada.
“Kaya po ‘yung every time na sasalang kami ni Kira sa camera dapat on-point po kami saka tama po. Kaya sobrang na appreciate ko naman kay Direk Benedict po na napadali niya po ang lahat para sa akin po,” paliwanag ni LA sa naganap na prsesscon ng “Maple Leaf Dreams.”
View this post on Instagram
Samantala, kinumpirma naman ni Direk Benedict na talagang magastos ang mag-shooting sa ibang bansa lalo na sa Canada. Milyones na raw ang budget nila sa airfare pa lang. Tumagal ng kalahating buwan ang shooting nila sa Canada.
Kuwento pa ni Kira sa tambalan nila ni LA sa movie, “Well, si LA gaya nang sinabi niya matagal na po kaming magkakilala, ang ‘Sa Iyo Ay Akin’ pa lang.
“So talagang nagawa po namin ito dahil sa friendship namin, dahil may tiwala po kami sa isa’t isa lalung-lalo na po dahil kay Direk Bene because siya po ‘yung director na kailangan namin for this movie. Talagang kahit mahirap, Direk. Maraming challenges, wala eh, he did it for us,” sabi ng aktres.
At sa question kung sa totoong buhay ba ay may chance na maging sila, tumawa muna si LA sabay sabing, “Mag-try man ako, lagi niya akong basted naman.”
Hirit naman ni Kira, “Gusto n’yo ba na maging kami? Ha-hahaha!”
Showing na sa nga sinehan ang “Maple Leaf Dreams” simula sa September 25. Pero maaari n’yo na itong mapanood from September 4 to 8 sa pagbabalik ng Sinag Maynila Film Festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.