Sakripisyo ang pagkahiwalay sa anak ng OFW na magulang | Bandera

Sakripisyo ang pagkahiwalay sa anak ng OFW na magulang

Susan K - July 21, 2017 - 12:10 AM

KAPAG patrabaho sa ibayong dagat, Pinoy kaagad ang pangunahing naiisip ng mga dayuhang employer.

Bakit nga naman hindi? Aba, panalong-panalo raw kapag Pinoy!

Sa mga barko lamang na naglalayag sa mga karagatan sa buong mundo, hindi maaaring walang Pilipino.

Kakaiba raw talaga kapag Pinoy seafarers ang sakat ng mga barko.

Magagaling daw kasing mag-Ingles bukod sa malilinis sila sa pangangatawan.  Iyan ang paglalarawan sa ating mga seafarers. Lamang talaga pag sila ang nakuha!

Malaking bentahe ang pagiging malinis ng Pinoy. Paano naman kasi, palibhasa’y nasa mainit tayong bansa, kung kaya’t nakaugalian na ng Pinoy na maligo nang maraming beses sa isang araw.

Kapag Pinay OFW naman, panalo rin!

Pagdating kasi sa kasipagan, tunay na malasakit at galing sa pagtatrabaho, hindi talaga pahuhuli ang mga Pinay.

Bukod dito, puwedeng-puwede pa silang umaktong teacher! Dahil sa galing din nilang mag-Ingles kung kaya’t gustong-gusto sila ng mga foreign employers.

Wala na nga naban daw silang hahanapin pa dahil lahat ng magandang katangian ay rolled into one na.

Tulad na lamang sa China, gayong hindi pa aprubado ang pagpapapasok ng mga household service workers doon, Pinay ang pangunahin sa kanilang listahan na kunin upang makapagtrabaho sa mga tahanan doon.

Habol din kasi nilang maturuan ang kanilang mga anak ng wikang Ingles na kayang-kaya namang ibigay ng mga Pinay OFWs.

Ang malungkot nga lang diyan, dahil sa patuloy na paglabas ng bansa ng ating mga kababaihan, lalo pa ang mga ina ng tahanan, mismong sariling sambahayan nila, mismong mga anak nila ang hindi nila natuturuan.

Naigugugol ang mga panahong ito sa pagtatrabaho sa abroad hindi lang bilang household help kundi mga guro rin ng mga anak ng kanilang amo; at kung minsan pa nga ay didisiplina at huhubog sa mga batang ito na parang kanilang mga anak.

Marami ang ipinauubaya sa mga lolo at lola, tiyahin at tiyuhin o mga kaibigan ang pangunahing obligasyong ito ng mga magulang na OFW kapalit ng kanilang pangingibang bayan.

Mabigat ang responsibilidad ng mga magulang. Direktang ipinag-uutos ng Diyos ang pagtuturo at pangangalaga sa kanilang mga anak sa lahat ng panahon.

Kahit pa sabihing posible na ang lahat ngayon dahil sa makabagong teknolohiya, walang papalit sa personal na pagtuturo at pag-aalaga ng mga magulang at literal na kasa-kasama ang kanilang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming:  www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending