LA Santos kay Kira Balinger: Grabe yung mga bubog niya sa life

LA Santos kay Kira Balinger: Grabe yung mga bubog niya sa life

Ervin Santiago - August 21, 2024 - 07:45 AM

LA Santos kay Kira Balinger: Grabe yung mga bubog niya sa life

Kira Balinger at LA Santos

HANGGANG ngayon pala ay nasa “ligawan” status pa rin ang dalawang Kapamilya stars na sina LA Santos at Kira Balinger.

Yan ang rebelasyon ng award-winning actor nang makachikahan namin siya kamakailan sa pagbabalik ng Sinag Maynila Film Festival 2024 kung saan isa sa mga entry ang movie nila ni Kira na “Maple Leaf Dreams.”

Natanong namin ang binata kung nag-level up na ba ang special friendship nila ni Kira after magsama sa ilang projects at huli nga itong kauna-unahan nilang movie together.

Baka Bet Mo: Kira Balinger tumaas ang respeto sa mga waitress matapos ang ‘immersion’: Deserve po nila!

“Ayun, crush pa rin naman. Alam niya naman yun, ilang beses ko nang sinabi sa kanya. Pero ang na-appreciate ko kay Kira is sobrang driven niyang artist at sobrang passionate talaga siya sa trabaho natin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LA SANTOS (@lasantos27)


“Kasi hindi naman talaga madali yung work na ‘to kaya kahit yung mga simpleng bagay na may kaibigan ka lang sa industry or simpleng may nakakausap ka lang is malaking tulong na,” chika ng aktor.

Sundot na tanong kay LA, sinamantala ba niya ang pagporma kay Kira noong magkasama sila sa Canada para sa shooting ng kanilang movie.

“Kahit dito naman sa Pinas (sinamantala). Kaya happy naman kami pareho, tsaka lagi lang akong nandiyan para sa kanya.

Baka Bet Mo: Bernadette Sembrano humugot ng tapang at katatagan sa ‘bubog’ ng ibang tao; ginawang libro inialay sa mga Pinoy

“Noong nasa Canada kami nagsu-shoot, parang pag may time kami or rest day, naggagala naman kami ni Kira dun na parang yun na lang yung pampa-happy namin sa shoot na yun.

“Very memorable naman sa akin kasi parang working vacation. Hindi ko naman sasabihing bakasyon siya kasi mahirap yung ginawa namin, pero yung ma-experience lang yung Canada na kasama siya, sobrang ganda,” kuwento pa ng aktor.

Anu-ano pa ang na-discover niya sa kanyang leading lady noong mag-Canada sila? “Yung pinakana-discover ko kay Kira is yung grabe yung bubog niya na pinagdaanan niya sa personal life niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LA SANTOS (@lasantos27)


“Tsaka grabe yung naging experiences niya rin hindi lang sa personal, pati na rin sa showbiz.

“Yun yung na-appreciate ko sa kanya na kahit sobrang dami nung bubog niya, nadadala niya pa rin yung sarili niya and nagagamit niya yung bubog na yun sa mga performances niya kaya ang galing niya talaga,” sabi ng binata.

Pinapayuhan ba niya si Kira about life lalo’t marami pala siyang bubog sa buhay? “Hindi naman, ako naman po kasi is mas nakikinig lang. Nandiyan lang ako para sa kanya, to listen to her.”

Sa tingin niya, bakit nagki-click ang tambalan nila ni Kira? “Siguro dahil crush ko siya kaya nagki-click.

“Kaya sobrang nag-click kami sa movie na ‘to and kaya nag-work kasi si Kira very willing to adjust for her partner and she’s very willing to learn new things para sa growth.”

Unang nagkasama sina LA at Kira sa Kapamilya primetime series na “Ang Sa ‘Yo Ay Akin” at sa “Darna” pero dito sa “Maple Leaf Dreams” sila talaga ilu-launch bilang magka-loveteam.

Ito’y mula sa direksyon ni Benedict Mique, na siya ring nasa likod ng Netflix hit movie na “Lolo And The Kid.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Sinag Maynila Film Festival ay pinamumunuan ng Solar Pictures ni Wilson Tieng at Center Stage Productions ni Brillante Mendoza na siya ring tumatayong festival director na magsisimula sa September 4 at tatagal hanggang September 8 sa Gateway Cineplex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending