Lorna sa tanong kung gusto pang mag-asawa uli: 'Ipinagdarasal ko na sana meron namang mag-alaga sa akin pagtanda ko' | Bandera

Lorna sa tanong kung gusto pang mag-asawa uli: ‘Ipinagdarasal ko na sana meron namang mag-alaga sa akin pagtanda ko’

Ervin Santiago |May 17,2023
facebook
share this

Lorna sa tanong kung gusto pang mag-asawa uli: ‘Ipinagdarasal ko na sana meron namang mag-alaga sa akin pagtanda ko’

Ervin Santiago - May 17, 2023 - 07:43 AM

Lorna sa tanong kung gusto pang mag-asawa uli: 'Ipinagdarasal ko na sana meron namang mag-alaga sa akin pagtanda ko'

Lorna Tolentino

WISHING and praying pa rin ang award-winning actress na si Lorna Tolentino na mabibigyan pa rin siya ng taong makakasama niya sa pagtanda sa tamang panahon.

Diretsong sinagot ng isa sa mga kilalang kontrabida ng Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” ang tanong balak pa ba niyang mag-asawa o magkadyowa uli.

Sey ni LT, tulad ng ibang mga single na nangangarap ding magkaroon ng partner talagang ipinagdarasal daw niya na magkaroon ng mag-aalaga sa kanya pagdating ng kanyang pagtanda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ko naman pinaplano ‘yan pero ipinagdarasal ko na sana meron namang mag-alaga sa akin pagtanda ko. Hindi mo naman maiiwasan ‘yan pero maalaga talaga ang Panginoon,” ang pahayag ng premyadong aktres sa nakaraang presscon ng “Batang Quiapo” ni Coco Martin.

At dahil nga madalas silang nagkakasama ng kapwa niya aktres na si Cherry Pie Picache na co-star din niya sa “Batang Quiapo”, natanong din siya kung humihingi ba siya ng tip sa aktres sa super happy ngayon sa piling ng kanyang dyowang si Edu Manzano.

Baka Bet Mo: Coco inulan ng papuri mula kina Charo, Christopher, Cherry Pie at Lorna: ‘Isa siyang genuis at napakabuting anak, kapatid at apo’

“Kainggit naman blooming! Parang ang saya ‘di ba ng ganu’n, pero hindi okay lang kung anong ibibigay ni Lord,” sagot ni LT.

Samantala, markadung-markado na naman ang karakter ni Lorna sa “Batang Quiapo” bilang si Amanda Salonga.

Pagkatapos nga ng pinag-usapang role niya noon sa “Ang Probinsyano” ay sa “Batang Quipo” naman siya naghahasik ng lagim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ni LT, talagang pinabago ni Coco Martin ang kanyang itsura para sa “Batang Quiapo”, “Sino ba nagpabago ng buhok ko? Hindi na tinatanggap ‘yung buhok ko kundi kulay black ever.

“Sabi niya, ‘My (mommy), subukan mong magpakulay ng buhok.’ Sabi ko, ‘Try ko ha kasi baka masira.’ ‘My, kailangan ganito, kailangan ganyan.’

“Siya nag-i-inspire sa iyo na mag-isip kung paano mo itsi-change ‘yung look mo. Dati kasi parang kung ano length ng buhok mo, pwede mong pabago nang kaunti, pwedeng ipa-blower, pwedeng may ibang style. Pwedeng may extensions, ‘di ba? Pero ‘yung tatatak sa iyo, itong haircut na ito,” ang pahayag pa ni Lorna.

Mylene Dizon walang balak gawing retirement fund ang mga anak: Hindi ako maniningil

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ricci Rivero tinamaan nang bonggang-bongga kay Andrea Brillantes; viral proposal sa UAAP season 84 may ‘sablay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending