Andre Paras ibinandera na sa madlang pipol ang non-showbiz GF, sweet na sweet sa Boracay | Bandera

Andre Paras ibinandera na sa madlang pipol ang non-showbiz GF, sweet na sweet sa Boracay

Ervin Santiago |May 16,2023
facebook
share this

Andre Paras ibinandera na sa madlang pipol ang non-showbiz GF, sweet na sweet sa Boracay

Ervin Santiago - May 16, 2023 - 12:57 PM

Andre Paras ibinandera na sa madlang pipol ang non-showbiz GF, sweet na sweet sa Boracay

Andre Paras at Honey May Escarez

IBINANDERA na ng Kapuso actor at TV host na si Andre Paras sa buong universe ang kanyang girlfriend na si Honey May Escarez.

Ito ang unang pagkakataon na nag-post ang binata ng sweet photos nila ng kanyang non-showbiz dyowa sa social media kaya naman bumaha ng pagbati mula sa kanyang mga supporters at kaibigan sa showbiz.

Sa kanyang Instagram account last Sunday, May 14, nag-share si Andre ng mga litrato nila ni Honey May na kuha noong nagbakasyon sila sa Boracay.

Kalakip ng kanyang IG post ang kanyang caption na kinuha sa lyrics ng kantang “Fly Love” ng American singer-songwriter na si Jamie Foxx.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Honey (@honeyescarez)


Sabi ng Kapuso star, “I know I’m feeling so much more than ever before and so I’m giving more to you than I thought I could do (musical notes emoji).”

Sa IG page naman ng kanyang girlfriend, ipinost din ng dalaga ang mga sweet photos nila ni Andre na ang simpleng caption ay, “Happier.”

Sa comments section ng kanyang post ay makikita ang reply ni Andre na, “I love you so much.”

Baka Bet Mo: Pokwang may bagong negosyo para sa lahat ng ‘kulay’, walang pake sa mga bashers

Maraming nag-congratulate kay Andre na matagal-tagal ding naging single. Sa ilang taon niya sa mundo ng showbiz ay parang walang naging karelasyon ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.

Ang natatandaan naming mga na-link sa kanya ay sina Mikee Quintos at Klea Pineda.

Ilan sa mga celebrities na bumati kina Andre at Honey May ay ang nanay ng binata, sina Carla Abellana, Jerald Napoles, Valeen Montenegro at marami pang iba.

John Lapus 3 beses nalaos: May time limit naman talaga ang mga baklang artista

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andre Yllana natutong magsinungaling para lang magkabalikan sina Aiko at Jomari; mag-ina nagkaiyakan sa vlog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending