Andre Yllana natutong magsinungaling para lang magkabalikan sina Aiko at Jomari; mag-ina nagkaiyakan sa vlog | Bandera

Andre Yllana natutong magsinungaling para lang magkabalikan sina Aiko at Jomari; mag-ina nagkaiyakan sa vlog

Reggee Bonoan - August 15, 2022 - 08:50 AM

Andre Yllana at Aiko Melendez

NAGKAROON ng heart-to-heart talk ang mag-inang Aiko Melendez at Andre Yllana na mapapanood sa vlog ng aktres na in-upload sa YouTube channel nito kahapon.

‘‘Questions I’ve never ask my mom and questions I’ve never ask Andrei” ang topic ng mag-ina.

Tanong ni Aiko sa panganay niya, “Andre kapag nagkapamilya ka, ano ‘yung bagay na sisiguraduhin mong hindi mangyayari sa pamilya mo?”

“Ang hirap din kasing magsalita ng tapos pero ‘yung gusto kong ipaglaban kapag nagkaroon ako ng pamilya is gusto ko complete family hindi broken family.

“Kasi growing up nakita ko ‘yung hirap kapag naglo-long (longing) ka for a father. Kasi ako buong paglaki ko naman nandiyan ka, eh.

“Yung paghanap ko ng tatay kaya siguro ‘yung mindset ko is to be the best father I can be in the future,” pahayag ng binata.

“Oo, in the future hindi pa next month ha, baka hindi ko pa kaya,” biro ni Aiko.

View this post on Instagram

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez)


Ano ang maipapayo ni Andre sa mga tulad niyang lumaki sa isang broken family? “Siguro huwag tularan ‘yung ginawa ko kasi dumating pa sa punto na di ba, mayroon pa akong pagsisinungaling na, ‘Oy nami-miss ka raw ni daddy (Jomari Yllana) kahit hindi. Kasi nu’ng bata ako ang pinaka-goal ko ay magkabalikan kayo.

“’Yun nga pagsundo sa akin ni Daddy tapos pagbalik ko, gagawa na ako ng kuwento na, ‘Ma, gumaganda ka raw, ah. Nami-miss ka na raw ni Daddy (tawang-tawa naman si Aiko).

“Tapos nu’ng lumalaki ako, unti-unti kong nakikita na talagang hindi magwo-work ito kahit magkabalikan sila hindi magiging masaya dahil may mga kanya-kanyang issues, so doon ko nilunok na, ‘Sige much better na magkahiwalay sila una sa lahat nandiyan naman si mommy hindi kami pinabayaan (sabay paalala ng ina si lola Elsie Castaneda). Of course, lola’s boy ako,” kuwento ni Andre.

May pinagsisihan ba si Andre sa pinagdaanan nilang mag-iina? “Wala kasi hindi rin naman ako magiging kung sino ako ngayon kung hindi rin sa mga trials na dinaanan natin.”

Tanong pa ng konsehala ng 5th District ng Quezon City, “We hardly talk about this di ba, ‘yung tungkol sa dad mo. Siyempre alam naman ng lahat na there was a time na hindi kayo in speaking terms, pero ngayon you are at your best state ng dad mo.”

Hirit ni Andre, “So far, so good. Ha-hahaha!”

“Happy ka naman na nakaka-bond mo ang daddy mo?” tanong ni konsi Aiko.

“Oo, naman pero, ‘dad kung napapanood mo ‘to, hindi ko pa nasasabi.’ Kasi may mga bagay na it’s too late na.

“Siguro ‘yung thirst ko for a father dati sa totoo lang ha, kung baga dati grabe ako maghabol kay dad, siguro parang nasanay na rin ako na parang wala siya. Kaya pasensiya na dad kung may mga times na nakakalimutan kita,” pagtatapat ng aktor.

“Hindi ka naman umabot sa punto na you hate your dad di ba, kasi naalala ko kahit gaano kasama ang loob mo itong anak ko hindi niya sinasabi sa akin. Do you advise sa mga tao na kimkimin ang sama ng loob?” tanong uli ni Aiko sa anak.

“Ako hindi. Mali ‘yun kasi akala ko dati sobrang lakas ko, eh. Akala ko kaya kong kimkimin lahat. Yes, na-depress ako guys, sobrang na-depress ako na akala ko kaya kong kimkimin lahat, ‘yun pala may hangganan din ‘yung tao. Kahit gaano ka pa kalaka kapag sinapol ka, wala durog ka talaga,” pagtatapat ni Andre.

Sabi naman ni Aiko, “One thing na nakita ko kay Andre ay hindi niya na-hate ang tatay niya kasi naintindihan mo rin kung bakit nagkaganu’n ‘yung daddy mo at never ko ring sinabi na i-hate moa ng daddy mo.”

“Yeah, lagi mo pang payo sa akin was intindihin mo baka may pinagdaraanan,” saad ng binata.

Natawang sabi ni Aiko, “Kung nanonood ang daddy mo which is I doubt kung manonood siya. Ha-hahaha! Kasi hindi kami nag-uusap. Anong message mo sa kanya?”

“Hi dad, siguro simple lang. Mag diet ka naman dad, medyo lumolobo tayo,” birong sabi ng panganay ni Jomari.

Dagdag pa, “Kahit anong mangyari naman dad I’ll always be here for you through thick and thin sasamahan lagi, like I said may mga bagay na hindi na kasing init dati.”

Pero si konsi Aiko ay hoping na manumbalik ang nasimulan nina Andre at Jomari lalo’t malapit na ang kaarawan ng panganay nila ngayong darating na Setyembre.

“Sana mapanood ito, sana manumbalik kung anuman ‘yung naumpisahan n’yo di ba, kasi I’ll be the happiest kasi alam n’yo ang nanay laging wini-wish o pinagpe-pray kundi ‘yung kasiyahan at kaligayahan ng anak ko. Wala ka namang baggage sa dad mo di ba?” tanong ni Aiko sa anak.

“Siguro ano lang, ‘yung mistake mo dati sa akin, ‘wag mo nang ulitin sa mga kapatid ko dahil bata pa sila, so, habang bata pa sila, go for it!” sambit ni Andre.

Ang mga batang kapatid ni Andre na tinutukoy niya ay ang mga anak ni Jomari sa dating karelasyon na si Joy Reyes.

At ang mensahe naman ng aktor sa ina, “Una l, sorry dahil may station sa buhay ko na sakit ako ng ulo. Nag-school hopping ako, sorry dahil may mga nabigay akong sakit ng ulo sa ‘yo. Sorry kung may mga times na hindi kita nirereplayan (aminado naman si Aiko).

“Naku ayan na (naiiyak na ang nanay niya). Thank you kasi kahit galing ako ng broken family hindi ko naramdamang incomplete ako kasi yung missing pieces na hinahanap ko, tumayo ka ro’n tapos binuo mo kung sino ako ngayon, thank you kasi pinalaki mo akong maging humble kahit paano maging mabait. Thank you for always being there, thank you for being the best mom.”

Para kay lola Elsie niya, “Si lola maputi ‘yun kasi Haponesa, pero umitim kasi laging nasa ilalim ng araw kasi tuwing titingin ako sa labas ng classroom kailangan nakikita ko siya. Kapag hindi ko siya nakikita, iiyak ako.

“Kaya thank you sa mga sacrifices ‘ma, ‘yung buhay mo sinacrifice mo pati ‘yung marriage niya kasi dapat nasa US siya with lolo (Dan Castañeda) pero hindi niya tinuloy ‘yun kasi hindi ko kaya. Kaya thank you sa sacrifices ‘ma, I love you.”

At para sa kapatid nitong si Marthena, “Mimi ikaw magpapakabait ka tapos kapag may nanliligaw sa ‘yo, ipakilala mo at huwag na huwag kang magtatago dahil kahit ano pa ang napagdaanan mo, siguradong napagdaanan ko na kaya consult me.”

Tumayong tatay din ni Andre ang kapatid ni Aiko sa ina na si Angelo Castañeda na naging campaign manager ni konsehala noong panahon ng kampanya.

“Tumayong daddy ko ‘yun, ‘kuya kung nanonood ka thank you, alam mo na ‘yun!” sabi ni Andre.

Nagpasalamat din si Andre sa loyal supporters niyang hindi pa siya iniiwan hanggang ngayon at nangakong pagbubutihin na niya at magiging seryoso na sa kanyang career.

Nagkaiyakan naman ang mag-ina nang banggitin ni Aiko kung bakit may kurot sa puso ng anak ang awiting “Later” ng Fra Lippo Lippi dahil nasaksihan daw ng binata noong bata pa siya na umiiyak ang nanay niya at nasambit niyang, “It’s okay not to be okay.”

“Maganda kasi ‘yung lyrics, pakinggan n’yo guys,” sambit ni Andre.

At pinasalamatan ni Aiko ang anak dahil kahit may mga pinagdaanan sila ay hindi ito nagtanim ng galit sa kanya at lumaki itong marespeto at mabuting tao.

Nabanggit pa ng aktres-politiko na kung anuman ang inaasam ng anak sa pagpasok nito sa showbiz ay sana mabigyan siya ng pagkakataon dahil mabuti ang puso nito at malalim ang hugot nito na magiging baon nito pagdating sa pag-arte.

Ang Viva Artist Agency ang humahawak sa showbiz career ni Andre Yllana at hoping na mabigyan siya ng chance bilang aktor at hindi bilang anak ng nanay niyang si konsi Aiko Melendez.

https://bandera.inquirer.net/287320/aiko-napaiyak-sa-pangako-ni-ogie-diaz-para-kina-andre-at-marthena

https://bandera.inquirer.net/293287/aiko-melendez-proud-na-proud-sa-anak-na-si-andre-yllana

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301092/ogie-pinagbigyan-ang-hiling-ng-kaibigan-ako-na-po-ang-manager-ni-aiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending