Andre Paras walang pagsisisi na mas pinili ang showbiz kesa PBA; may bago agad teleserye sa GMA
SUPORTADO ng kanyang mga kapwa PBA player ang desisyon ni Andre Paras na iwan na ang paglalaro ng basketball para balikan ang nahintong showbiz career.
Pagkatapos ngang sumabak ng isang season sa PBA para sa Team Blackwater Bossing, nagpaalam na si Andre sa liga at nagbabalik sa GMA para ipagpatuloy ang pagiging aktor at TV host.
Ayon sa anak ng komedyante at dati ring PBA superstar na si Benjie Paras, totoong-totoonna super na-miss niya ang pag-arte at paggawa ng mga teleserye.
“I’m very excited. I’ll be working with a lot of new people I look up to and I can’t really wait to meet them in person,” ang pahayag ng binata sa panayam ng GMA.
Dito, nabanggit din ni Andre na personal siyang nagpaalam sa kanyang basketball teammates kasabay ng pasasalamat sa isang taong pagsasama-sama nila sa PBA.
“It’s been one year and I’m finally back. I did talk to my team, I did it in person. I told them my reason why I wanted to step down from the league and they accepted it.
“I’m very thankful because suportado po nila ang decision ko and that’s where I would love to leave it,” sey ng binata.
Nangako naman daw ang mga player ng Blackwater Bossing na susuportahan siya sa pagbabalik niya sa mundo ng showbiz at hangad ng mga ito ang kanyang tagumpay sa mga bago niyang proyekto bilang Kapuso.
View this post on Instagram
Matatandaang sa pamamagitan ng formal letter na ipinadala niya sa Blackwater team owner na si Dioceldo Sy, nagpaalam na nga si Andre sa kanyang professional basketball areer.
“I would like to respectfully inform you of my formal retirement from professional basketball with Blackwater Bossing as your player, effective immediately.
“I would like to thank you for all the great opportunities you have given me at Blackwater.
“I have enjoyed working with the team and management and I am ready to move on to the next phase of my life and continue my acting career,” ang nakasaad sa sulat ni Andre.
Sa ngayon, pinaghahandaan na ng aktor ang mga nakalinya niyang projects sa GMA, kabilang na ang
pagganap niya bilang doktor sa upcoming drama series na “Abot Kamay na Pangarap.”
Makakasama niya rito sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Jillian Ward at ang dating Kapamilya actor na si Dominic Ochoa.
https://bandera.inquirer.net/315440/andre-paras-nag-retire-na-agad-sa-pba-mas-pinili-pa-rin-ang-showbiz-sayang-sobra
https://bandera.inquirer.net/284952/marc-pingris-nag-retire-na-sa-pba-pinoysakuragi15-signing-off
https://bandera.inquirer.net/284952/marc-pingris-nag-retire-na-sa-pba-pinoysakuragi15-signing-off
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.