Slater Young hiyang-hiya sa naging comment tungkol sa mga lalaking may dyowa na pero nagpapantasya pa ng ibang babae | Bandera

Slater Young hiyang-hiya sa naging comment tungkol sa mga lalaking may dyowa na pero nagpapantasya pa ng ibang babae

er, Ervin Santiago |May 16,2023
facebook
share this

Slater Young hiyang-hiya sa naging comment tungkol sa mga lalaking may dyowa na pero nagpapantasya pa ng ibang babae

er, Ervin Santiago - May 16, 2023 - 11:04 AM

Slater Young hiyang-hiya sa naging comment tungkol sa mga lalaking may dyowa na pero nagpapantasya pa ng ibang babae

Slater Young at Kryz Uy

NA-REALIZE agad ng content creator at dating aktor na si Slater Young na maling-mali ang naging komento niya sa mga lalaking nagpapantasya ng ibang babae kahit may karelasyon na.

Nag-sorry na ang “Pinoy Big Brother” winner sa madlang pipol lalo na sa lahat ng na-offend sa sinabi niyang “fantasizing about other women is normal.” Talagang kaliwa’t kanang pambabatikos ang inabot niya dahil dito.

Ayon kay Slater “very normal” lang daw sa mga lalaki na may dyowa ang mag-chat tungkol sa ibang babae, magiging mali lamang ito kung papatulan nila ang pinapantasyang girls na posibleng mauwi sa cheating.

“The guy is being absolutely honest. Kasi siyempre, if I’m going to lie to you, and you ask me if I have boners about other women and if I wanted to lie just to make you comfortable, I’m just gonna say, ‘No, of course not.’

“Kryz (asawa ni Slater) and I talk about that. It’s normal. It’s just a fact of life that there are many other women more attractive than you or just as attractive than you,” paliwanag ni Slater sa kanilang SKYPodcast kahapon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“It’s been a hard few days. It’s been an eye-opening few days. Sometimes, you think that you did something OK and it takes a little while for it to sink in na, ‘Oo nga ‘no. Mali pala talaga ako,’” ang bahagi ng pahayag ni Slater.

Dagdag pa niyang paglilinaw, “Kasi siyempre pag merong mga comments and merong mga reactions na parang ina-attack ka your first instinct is to be defensive.

“And I finally realized na, ‘Oh my God, I really made a mistake,’ because I’m giving it power na, to say it’s okay, and me saying it’s normal, kind of normalizes it and makes it okay.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba bigla na lang nilayasan ni Slater Young ang showbiz, anyare?

“The last thing in my mind and my heart would be to objectify women,” depensa pa niya.

Dagdag pang pahayag ni Slater, “I should’ve called it out na parang, ‘Ah it happens, but this isn’t ok, we should hold ourselves to a higher standard.’ When sa akin, like, ‘Oh it happens, don’t worry about it.’ ‘Yun ‘yung sinabi ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kryz (@kryzzzie)


Sey pa niya, isang learning experience ang natanggap niyang pambabatikos mula sa publiko, “When I read the articles about the issue, I don’t feel angry, I feel ashamed na parang nako-quote ako ng ganyan and parang, ‘Ah, this is not me and I wish I could take it back.’

“I know for a fact that I said that. Like nahiya talaga ako,” aniya pa.

Para naman kay Kryz Uy, naniniwala siyang mabuting tao ang kanyang asawa at mas bumilib pa siya rito dahil agad nitong inamin ang pagkakamali.

“I’m at peace with that, I know you’re a good guy,” sabi ni Kryz.

Red flag yarn: Slater Young binanatan sa naging reaksyon tungkol sa mga lalaking nagpapantasya ng ibang babae kahit may dyowa na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kryz Uy binalaan ang publiko laban sa scammer, poser na gumagamit sa pangalan niya sa YouTube

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending