Rhian Ramos never naisipang mag-join sa beauty contest: 'I have no poise, composure or emotional control...pangdrama talaga 'ko' | Bandera

Rhian Ramos never naisipang mag-join sa beauty contest: ‘I have no poise, composure or emotional control…pangdrama talaga ‘ko’

Ervin Santiago |May 16,2023
facebook
share this

Rhian Ramos never naisipang mag-join sa beauty contest: ‘I have no poise, composure or emotional control…pangdrama talaga ‘ko’

Ervin Santiago - May 16, 2023 - 07:36 AM

Rhian Ramos never naisipang mag-join sa beauty contest: 'I have no poise, composure or emotional control...pangdrama talaga ako'

Rhian Ramos

BAKIT nga ba hindi naisipan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang mag-join sa mga beauty pageant sa kabila ng taglay niyang mga katangian na pak na pak sa labanan ng pagandahan at patalinuhan?

Marami ang nagsasabi ng pwedeng-pwedeng manalo si Rhian sa Miss Universe Philippines, Binibining Pilipinas at iba pang national pageants with her looks and intelligence.

Pero ang problema nga, mismong si Rhian na ang nagsabi na never niyang naisipang sumali at rumampa sa mga mga beauty contest kahit pa may mga nangungulit sa kanya noon na mag-join.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapuso star ng isang maikling video kung saan makikita ang nakakaloka niyang reaksyon nang manalo ang kaibigang si Michelle Dee bilang Miss Universe Philippines 2023.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)


Sabi ng dalaga sa caption ng kanyang IG Story, “If you ever wonder why never dumaan sa isip ko sumali sa kahit anong pageant, ito ‘yung reason.

“I have no poise, composure, or emotional control. ‘Pang drama talaga ako.

Baka Bet Mo: Sam Verzosa hindi iniwan ni Rhian habang nagluluksa sa pagpanaw ng ama; ‘Dear SV’ bagong public service program na may puso

“Thank you Lord! Nakaka-ugly cry ang blessings niyo,” ang chika ni Rhian.

Kasama niyang nanood sa grand coronation night ng naturang pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena last Saturday, May 13, ang kapwa Kapuso actress na si Max Collins.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)


Samantala, hindi rin nakalimot ang aktres na bumati sa kanyang nanay kahapon sa pagse-celebrate ng Mother’s Day.

Idinaan din niya sa Instagram ang kanyang mensahe para sa inang si Clara Ramos kalakip ang kanilang photo together. Aniya sa caption, “Happy mother’s day to the original silly lady. thank you mom for showing me what unconditional love is.”

Dugtong pa niya, “For giving me patience and care, for making me the best meals, for teaching me that everything can be laughed about, that life always goes on and on, that there’s always something to be grateful for, that honesty is the best policy, and for paying my taxes.

“I love you so much and will always be here to take care of you too,” ang message pa ni Rhian para sa ina.

Rabiya Mateo sa pagrampa sa Miss World PH: I’m not closing my doors…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie, Ai Ai may lovelife advice kay Rhian: Mas OK na magkaroon ka rin ng sariling pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending