Rabiya Mateo sa pagrampa sa Miss World PH: I’m not closing my doors... Bandera

Rabiya Mateo sa pagrampa sa Miss World PH: I’m not closing my doors…

Ervin Santiago |November 26,2021
share this

Rabiya Mateo sa pagrampa sa Miss World PH: I’m not closing my doors…

Ervin Santiago November 26, 2021 - 09:19 AM

Rabiya Mateo

MAY plano nga bang mag-join si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa Miss World Philippines sa mga susunod na taon?

Matapos maging semifinalist sa 69th Miss Universe na ginanap sa Amerika nitong nagdaang Mayo may mga naglabasang chika nao binabalak daw ng dalaga na lumaban sa iba pang national pageant sa bansa.

Kaya naman maraming fans ang nagtatanong kung talagang sasali at rarampa pa siya sa ibang beauty contest kahit naging representative na siya ng bansa sa Miss Universe.

Sa nakaraang virtual mediacon ng GMA para sa pagpirma ng kontrata ni Rabiya sa Kapuso network, isa sa mga naitanong sa kanya ay kung totoo ngang type pa niyang mag-join sa ibang pageant.

“People are asking if I’d join Miss World Philippines. I’m not closing my doors but acting is my main focus now.

“Representing the country in an international beauty contest is not an easy task. You need to be 100 percent ready. 

“If ever I’d join any pageant, I want to be ready and not just because people are asking me to join,” sagot ng dalaga.


Tungkol naman sa pagiging certified Kapuso niya, “I can’t believe that I am officially signing with GMA. I can finally say, I’m officially a Kapuso.

“After Ms. Universe Philippines, I’ve been asking myself, ‘What’s next? What am I going to do? Babalik na ba ako sa pagiging Physical Therapist?’

“But I’m just happy that the people here in GMA did see my potential as an actress, as a host, and I’m excited sa mga parating na projects,” lahad pa ng beauty queen.

Samantala, muling ipakikita ni Rabiya ang kanyang talento sa pag-arte ngayong Sabado matapos siyang mapanood sa Holloween special ng “Kapuso Mo Jessica Soho.

Kaya nga bang gawing pambayad-utang ni Rabiya ang kanyang nobyo? Ito ang dapat abangan sa episode ng “Wish Ko Lang” bukas (Nov. 27) kung saan bibida nga ang dalaga kasama sina Kim Rodriguez, Jeric Gonzales, Lovely Rivero, Sue Prado, at social media personality na si Joyang.

Sa kanyang first lead role, gagampanan ni Rabiya ang palaban ngunit sweet na si Rita na gagawin ang lahat para sa kanyang nanay — kahit pa mabaon siya sa utang.

Mula kasi nang magkasakit ang nanay ni Rita na si Idang, napilitan siyang manghiram sa bestfriend niyang si Mariel. Sa hirap ng buhay at sunud-sunod na dagok na kanilang mararanasan, hindi makakapagbayad si Rita.

Malas man sa pera, suwerte naman sa pag-ibig si Rita. Makikilala niya si Dennis, ang kaso bet din pala ito ng BFF niya!

Handa nga si Mariel na kalimutan ang P300,000 na utang ni Rita kung magpaparaya ito. Ipagpapalit nga ba ni Rita ang nobyo sa utang?

Abangan ang “Magkaibigan” episode sa “Wish Ko Lang” hosted by si Vicky Morales ngayong Sabado, 4 p.m. sa GMA 7.

Rabiya kumpirmadong magiging Kapuso na; nag-explain kung bakit napaluhod sa ‘final walk’

Rabiya kinarir ang pagboboksing para sa pagiging ‘action star’; game na game magkontrabida

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending