Melanie Marquez all-out support kay Michelle Dee sa Miss Universe PH: I am your number 1 avid fan!
MALAPIT na ang inaabangang coronation night ng Miss Universe Philippines competition!
Kaya naman ang dating beauty queen na si Melanie Marquez ay nagpahayag na ng suporta sa kanyang anak na si Michelle Dee, isa sa mga kandidata ng nasabing pageant.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Michelle ang nakakaantig na mensahe ng kanyang ina.
“Good evening anak. I’m watching all your exposure in the Miss Universe 2023. [You’re] doing great!,” lahad sa text message ng dating beauty queen kay Michelle.
Advice pa ng ina sa kanyang anak, “Just be yourself. Relax but don’t forget to claim on stage that you’re wearing a crown elegantly, smiling radiantly as you sway your hips [while] walking on stage.”
Aniya, “I am your number 1 avid fan! I love you!”
Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Melanie ang titleholder ng Miss International noong 1979.
Baka Bet Mo: Michelle Dee isinugod sa ospital sa kanyang 28th birthday, inoperahan dahil sa ‘hemorrhage’
At siyempre, tuwang-tuwa naman diyan mismo si Michelle at lubos na pinasalamatan ang kanyang ina.
Sey niya, “This means a lot coming from her. Hoping I can give her the best mother’s day gift soon.”
Si Michelle ay kabilang sa 38 candidates na lumalaban para sa korona ng Miss Universe Philippines 2023.
Magugunitang tatlong special awards ang nahakot ng beauty queen sa naganap na preliminary competition at ito ang “Miss Zion Philippines,” “Miss Aqua Boracay” at “Miss Pond’s.”
Mangyayari ang coronation night ng nasabing pageant ngayong May 13 na kung saan ang special guest ay ang reigning Miss Universe na si R’Bonney Gabriel.
Related Chika:
Viral na ‘to: ‘Teacher Santa’ target tuparin ang Christmas wish ng 20 estudyante
Janine Gutierrez, Paulo Avelino naghiwalay na raw kahit hindi pa inaamin ang relasyon sa publiko?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.