Maxene Magalona huli sa akto, may 'ka-HHWW' habang namamasyal sa mall, natagpuan na nga kaya si Mr. Right? | Bandera

Maxene Magalona huli sa akto, may ‘ka-HHWW’ habang namamasyal sa mall, natagpuan na nga kaya si Mr. Right?

Ervin Santiago |May 09,2023
facebook
share this

Maxene Magalona huli sa akto, may ‘ka-HHWW’ habang namamasyal sa mall, natagpuan na nga kaya si Mr. Right?

Ervin Santiago - May 09, 2023 - 12:10 PM

Maxene Magalona huli sa akto, may ka-HHWW habang namamasyal sa mall, natagpuan na nga kaya si Mr. Right?

Maxene Magalona at ang kanyang ‘mystery guy’

KALAT na ngayon ang isang TikTok post sa social media kung saan makikita ang Kapamilya actress na si Maxene Magalona na may kasamang lalaki.

Kaya naman ang tanong ng mga Marites all over the universe, natagpuan na nga kaya ng aktres ang taong magpapasaya sa kanyang puso makalipas ang mahigit isang taon ng pagiging single?

Nakita na rin namin ang nasabing viral TikTok video na in-upload ng isang TikToker last Sunday, May 7, at mukhang may “something” nga sa pagitan ni Maxene at ng kasama niyang guy.

Base sa kumalat na video, magka-holding-hands-while-walking (HHWW) sa isang mall sa Greenhills, San Juan ang dalawa na parang walang pakialam sa mga taong nakakakita at nakakakilala sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)


Base sa viral post, naka-black shirt at brown pants ang guy at mahigpit niyang hawak ang kamay ni Maxene habang nagmo-malling.

Paliwanag ng uploader, hindi naman daw niya sinasadyang ma-video si Maxene at ang kasama nitong lalaki. Kasalukuyan daw siyang nagpo-promote ng ibinebentang cellphone nang mapadaan ang mga ito sa kanilang store.

Baka Bet Mo: Carmina game na game na nakipag-duet kay Darren, pinuri ng netizens: ‘Maganda rin pala ang boses niya’

Samantala, bukod dito, may isa pang TikTok video ang lumabas sa socmed na kuha pa last March 11, kung saan makikita rin si Maxene na kasama ang nasabing lalaki habang naglalakad sa Greenhills matapos daw bumili ng cellphone.

Naka-black and white stripe crop top shirt ang anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona habang nakasuot naman ng brown long sleeves at black short ang lalaki.

May nabasa kaming comment sa nasabing TikTok post na DJ daw sa isang bar ang lalaki at ang name raw nito ay “Geoff Gonzalez.” Sabi pa ng ilang netizens naka-follow sa isa’t isa ang rumored couple sa Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona)


May nagbuking pa na kasama rin daw ni Maxene ang rumored boyfriend nang magbakasyon siya kamakailan sa El Nido, Palawan.

More than one year na ngayong single si Maxene matapos silang maghiwalay ng kanyang ex-husband na si Rob Mananquil.

Twice na nagpakasal sina Maxene at Rob — una, sa isang intimate church wedding sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati City, noong January 8, 2018 at pangalawa, sa isang beach wedding sa Boracay noong January 11, 2018.

Apat na taon ding nagsama sina Maxene at Rob bilang mag-asawa.

Camille Prats apektado sa ‘crying video’ ni Maxene Magalona: It’s OK not to be OK all the time

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending