Orlando Bloom humabol sa Osaka ComicCon 2023 | Bandera

Orlando Bloom humabol sa Osaka ComicCon 2023

Armin P. Adina - May 08, 2023 - 11:36 AM

Orlando Bloom humabol sa Osaka ComicCon 2023

Orlando Bloom/ARMIN P. ADINA

 

KABILANG ang pangalan at larawan ng aktor na si Orlando Bloom sa mga anunsyo para sa Osaka Comic Con 2023, ngunit wala siya sa pagbubukas ng kumbensyon noong Mayo 5. Nakahabol siya sa mga kapwa niya artista at kasama na sa grand finale na isinagawa noong Mayo 7 sa malaking Hall 5 ng napakalawak na Intex Osaka complex sa Osaka, Japan.

Nauna naman nang sinabi ng organizers na makakasama lang si Bloom, kilala sa pagganap bilang Legolas sa “Lord of the Rings” trilogy, sa ikalawa at ikatlong araw ng tatlong-araw na kumbensyon, ang unang comic con na ginawa sa Osaka.

“I wanna say I’ve been coming to Japan for 20 years. It is my favorite culture, I love everyone and the food,” sinabi niya sa laksa-laksang tagahanga ng comic books at mga pelikula, na sinuklian siya ng masigabong palakpakan. Nakasama na ang aktor sa 2019 Tokyo Comic Con.

Orlando Bloom humabol sa Osaka ComicCon 2023

Orlando Bloom/ARMIN P. ADINA

Beterano na rin ng Tokyo Comic Con ang mga kapwa niya aktor ng mga prangkisa, si Michael Rooker ng “Guardians of the Galaxy,” at Mads Mikkelsen ng “Fantastic Beasts,” na magkasama naman sa kumbesyon noong 2017.

Orlando Bloom humabol sa Osaka ComicCon 2023

Michael Rooker/ARMIN P. ADINA

“This is the craziest, the most wild comic con I’ve ever been at. It’s been fantastic. Arigatou (thank you),” sinabi ni Mikkelsen sa mga tagahanga. Sinabi naman ni Rooker na nag-enjoy siya sa Osaka Comic Con “so very much,” at puspos ang pasasalamat sa mga tagahangang sumipot upang masilayan sila.

Orlando Bloom humabol sa Osaka ComicCon 2023

Kumakaway sa mga tagahanga si Misha Collins./ARMIN P. ADINA

Ibinahagi naman ng aktor na si Tom Sturridge, si Dream sa “The Sandman,” ang mensahe niya sa Hapones, nagbasa mula sa kaniyang palad, habang binati naman ng Bobba Fett sa “Star Wars” na si Daniel Logan ang mga manonood sa tuwid na Hapones.

Ikinagalak naman ng mga tagahangang Hapones ang tila “pag-awit” ni Joonas Suotamo sa theme music ng “Star Wars” bilang ang tauhan niyang si Chewbacca na isang Wookiee. Sinabi rin niya, “thank you so much for having us. It’s been such a wonderful experience. It’s my first time in Japan. Nihon Saiko! (Japan is the best).”

Orlando Bloom humabol sa Osaka ComicCon 2023

Para kay Mads Mikkelsen, ‘craziest, most wild’ and Osaka Comic Con./ARMIN P. ADINA

Wala naman sa finale program ng kumbensyon ang aktres na si Millie Bobbie Brown, na umani ng Emmy nomination para sa pagganap sa papel na Eleven sa “Stranger Things.” Kasama siya sa opening ceremony noong unang araw, at nagpakita rin noong ikalawang araw. Nauna nang nilinaw ng organizers na sa unang dalawang araw lang sisipot ang bida sa mga pelikulang “Enola Holmes.”

Orlando Bloom humabol sa Osaka ComicCon 2023

Kasama ni Orlando Bloom (ikaapat mula kaliwa) sina (mula kaliwa) Daniel Logan at anak niya, Mads Mikkelsen, Michael Rooker, Tom Sturridge, Misha Collins, at Joonas Suotamo sa grand finale program ng Osaka Comic Con 2023./ARMIN P. ADINA

Binuo ang Osaka Comic Con 2023 ng mismong pangkat na nagsasagawa ng taunang Tokyo Comic Con. Ibinahagi na rin ng organizers sa katatapos na programa na sa Dis. 8, 9, at 10 na nakatakda ang kumbensyon sa kabisera ng Japan para sa 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending