2 LPA ang inaasahang magpapaulan sa bansa –PAGASA

2 LPA ang inaasahang magpapaulan sa bansa –PAGASA

Pauline del Rosario - May 06, 2023 - 04:01 PM

2 LPA ang inaasahang magpapaulan sa bansa –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

NADAGDAGAN ang sama ng panahon na kasalukuyang binabantayan ng weather bureau PAGASA.

Bukod kasi sa Low Pressure Area na nasa Visayas, isa pang LPA ang inaasahang papasok ng ating bansa.

“Sa kasalukuyan, meron tayong dalawang Low Pressure Area na binabantayan at ito ay parehas na nakapaloob sa tinatawag nating Intertropical Convergence Zone o ‘yung ITCZ,” sey ni weather forecaster Patrick Del Mundo sa press briefing ngayong mAy 6.

Paliwanag pa niya, “‘Yung ITCZ ay salabungan ng hangin sa northern at southern hemisphere kung saan nabubuo ‘yung mga kaulapan at mga pag-ulan.”

Ayon sa ahensya, ang LPA na nasa Palawan ay hindi pa inaasahang magiging bagyo sa mga susunod na araw.

“Itong unang Low Pressure Area na ating binabantayan ay nasa layong 115 kilometers sa may kanluran ng Puerto Princesa City sa may Palawan at sa ngayon, hindi natin inaalis ang possibility na ito ay isang magiging ganap na bagyo in the next two days, habang ito ay kumikilos pa-kanluran papunta sa may West Philippine Sea,” saad ni Del Mundo.

At dahil nga diyan sa LPA, makakaranas ng kalat-kalat na mga pag-ulan ang Palawan.

Baka Bet Mo: Markus Paterson sumusumpang hindi kailanman nangdyombag ng babae: My parents raised me right!

Samantala, ibinalita ng PAGASA na may isa pang LPA silang binabantayan na nasa labas ng Mindanao.

Ayon sa kanilang forecast, posible itong pumasok ng ating bansa bukas (May 7.)

“Ito namang ikalawang Low Pressure Area na ating binabantayan na nasa labas pa ng ating PAR, huling namataan sa 1,270 kilometers sa may silangan ng Northern Mindanao,” sambit ng weather forecaster.

Dagdag niya, “Sa ngayon, mababa pa ang tsansa nito na maging isang bagyo in the next two days at possible ito na pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility by tomorrow.”

Kahit wala pang bagyo, asahan ang mahinang ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na dulot ng Easterlies at ITCZ.

Read more:

Celeste Cortesi mas lalo pang ginanahan sa paglaban sa Miss Universe 2022 nang makita ang nanay at boyfriend

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JM de Guzman: Hindi ko alam kung magmamahal ako ulit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending