3 bonggang life lesson na natutunan mula sa kanyang ina ibinandera ni Rhea Tan; parami nang parami ang ‘anak’ sa showbiz
HINDI rin talaga matatawaran ang “glow” ng isang ina — mula sa kanyang ngiti hanggang sa kaalaman na kanyang ibinabahagi.
Para kay Rhea Anicoche-Tan, CEO ng growing beauty brand na Beautéderm, ang kanyang ina na si Pacita Ramos Anicoche ang kanyang source of guidance at inspirasyon.
Mahalaga raw talaga na nakikinig sa ating mga nanay dahil alam nila ang “best” para sa atin. Lumaki si Miss Rei na bilib at hanga sa kanyang ina na isang guro at kinikilala niya ito bilang bahagi sa kanyang pagiging ina ngayon.
“It’s important to listen to your mother. They really know best. I grew up admiring her and listening to what she had to say—she was a teacher.
View this post on Instagram
“It was she who made me the mother I am today and pushed me to always give my best,” ang pagbabahagi ng matagumpay na negosyante.
Sa kanyang previous interviews, nabanggit ng skincare executive ang kahalagahan ng isang ina na laging present at nakaalalay.
Sa katotohanan, present din talaga si Nanay Pacita sa mahahalagang milestones sa buhay ni Miss Rei — mula sa press conferences, brand events, store openings, at kahit ang construction ng Beautéderm Headquarters.
Sa recent interview, ibinahagi niya Lady Boss ang mga bagay na natutunan niya sa kanyang ina at umaasa siya na ito ay makatutulong at makapagbibigay inspirasyon sa mga kabataan ngayon.
1. Cultivate grace and gratitude
“She would always tell me to speak, stand, and walk gracefully as it shows my power as a woman. Be graceful but not arrogant.
Baka Bet Mo: Jelai Andres sinigurong OK sila ni Zeinab Harake: Sanay na sanay na kami sa bashers!
“And her top advice, of course, was to be grateful. Kung ano man ang narating mo sa buhay, huwag kalilimutan ang mga taong nakasama mo,” pagbabahagi niya.
Idagdag pa ang payo ng kanyang ina na to always be grateful, never forgetting the people who have helped along the way.
View this post on Instagram
2. Practice generosity
Hinding-hindi rin niya nakakalimutan ang itinuro sa kanya ng ina na palaging pairalin ang pagkakaroon ng generous heart, “My mother Pacita taught me that when you’re blessed, help. When they need you, extend a hand. Generosity is key to success.”
3. Embrace resilience
Itinuro rin ng kanyang nanay kung paano harapin ang mga pagsubok ng buhay, “When you fall, rise. Life is tough so be tough. Those were my mother’s words.”
Dahil sa tagumpay ng Beautéderm, mayroon na itong halos 100 endorsers kabilang na riyan ang mga A-list stars na sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Maja Salvador, Piolo Pascual, Gabby Concepcion, Sylvia Sanchez at marami pang iba.
At lahat ng mga nabanggit na celebrities ay “Mommy Rei” ang tawag kay Rhea Tan. Iba rin naman kasi talaga siyang mag-alaga ng kanyang ambassadors — mayroong kasamang tunay at sinserong pagmamahal.
Sa selebrasyon ng Mother’s Day, ang nangungunang beauty and wellness brand ay nag-anunsiyo ng “Mother Glows Best” promo, featuring select products from April 28 to May 14.
Zeinab Harake magiging ‘choosy’ na sa pagpili ng dyowa; Rhea Tan nakahanap ng bagong ‘baby’
Moira dela Torre sinagot kung ‘babalik’ nga ba kay Jason Hernandez: Nope
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.