Maris Racal naging 'instant ina', nagpa-practice na nga ba para sa future baby nila ni Rico? | Bandera

Maris Racal naging ‘instant ina’, nagpa-practice na nga ba para sa future baby nila ni Rico?

Therese Arceo |May 03,2023
facebook
share this

Maris Racal naging ‘instant ina’, nagpa-practice na nga ba para sa future baby nila ni Rico?

Therese Arceo - May 03, 2023 - 10:50 PM

Maris Racal naging 'instant ina', nagpa-practice na nga ba para sa future baby nila ni Rico?
INSTANT mother ang naging ganap ng Kapamilya actress na si Maris Racal habang nasa biyahe siya pauwi ng Maynila.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang naging unforgettable experience nang pauwi na siya mula sa Italy matapos niyang dumalo sa Udine Far East Film Festival 2023 para i-represent ang kanilang pelikulang “Where Is The Life” mula sa direksyon ni Quark Henares. Kasama niya rin sa pelikula sina EJ Jallorina at Royce Cabrera.

“Nagpadede, nagpatulog, at naging instant ina po tayo sa biyaheng pa Manila,” simula ni Maris.

Aniya, nang makita niya na mayroon siyang katabing baby, talagang natuwa at na-excite siya lalo na’t isang Pinoy rin ang kasabay nito.

“When I saw na may baby akong katabi, my heart leaped out of my chest. Idk but i just love babies and i love baby sitting huhu!” pagpapatuloy ni Maris.

Kaya naman super happy ang aktres na makatulong rin sa ina lalo na’t hindi naman talaga madali ang bumyahe na may kasamang baby lalo na sa eroplano.

“Glad to have helped a kababayan Mom during this trip! Yes masaya po ang tulog niya! See last photo. so happy i met these two beautiful people!” lahad pa ni Maris.

Kitang-kita naman sa mga larawang ibinahagi ng aktres with consent na talagang nag-enjoy siya at naging komportable rin ang mag-ina sa oresence niya.

Baka Bet Mo: Maris Racal ibinandera ang ukay-ukay dress worth P50, netizens napa-wow: ‘Looks expensive on you’

Marami namang mga artista at netizens ang nag-react at pumuri sa ginawa ng aktres.

“Pakialagaan si Bean,” saad ni Angelica Panganiban sa post ni Maris.

Sagot naman ng dalaga, “My pleasure.”

“Deia already in line for your next available time for baby duties,” sey naman ni Iza Calzado sa post ni Maris.

Comment naman ni Esnyr, “Literal na MOTHERED.”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA. I missed the opportunity na icaption to,” aliw na reply ni Maris.

Hirit naman ni Jolina Magdangal, “Ay, nagpapraktis na!”

Maging ang mga netizens ay agree kay Momshie Jolina dahil tila nagpa-practice na nga si Maris sa pag-aalaga ng future baby nila ni Rico Blanco.

Kamakailan nga ay ibinahagi ng dalaga kung ano ang kanyang dream wedding sa kanyang panayam sa INQUIRER.net.

“I want to get married at San Agustin Church (in Manila). My first time there was for a shoot, and I liked it so much. I have not seen a church as beautiful as San Agustin,” pagbabahagi ni Maris.

Related Chika:
Rico Blanco, Maris Racal unang nag-date sa Las Vegas; hulaan n’yo kung sino ang unang nag-‘I love you’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Maris Racal nga ba ang nagparamdam kay Rico Blanco?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending