Xian Gaza hindi raw naninira: Paladesisyon lang ako | Bandera

Xian Gaza hindi raw naninira: Paladesisyon lang ako

Therese Arceo |May 02,2023
facebook
share this

Xian Gaza hindi raw naninira: Paladesisyon lang ako

Therese Arceo - May 02, 2023 - 06:21 PM

Xian Gaza hindi raw naninira: Paladesisyon lang ako

PHOTO: Facebook/Christian Albert Gaza

MULI na namang bumanat ang self-proclaimed Pambansang Marites na lalaki na si Xian Gaza sa social media.

Sa kanyang Facebook account ay sinabi ng personalidad na magkaiba ang ibig sabihin ng naninira sa taong paladesisyon lang.

“PANINIRA and PALADESISYON are two different things. Paninira is when you invent kwento para masira yung image and reputasyon ng isang person,” saad ni Xian.

Pagpapatuloy niya, “On the other hand, dude pare chong, Paladesisyon is when you broadcast the kasiraan na sila naman din mismo ang may gawa.”

Kaya bakit naman daw makokonsensiya si Xian gayong hindi naman siya naninira ng tao at hindi rin siya gumagawa ng kwento.

Aniya, isiniwalat naman daw niya ang katotohanan.

Sey ni Xian, “Inannounce ko lang naman sa buong Pilipinas yung mga pinaggagawa niya. Walang mali doon.

“Paladesisyon lang ako. In the first place ay wala akong konsensya. Good evening.”

Baka Bet Mo: Ali Khatibi hindi raw nagsusustento sa ibang anak, gumagamit ng ‘fake’ PWD ID para makadiscount ayon kay Xian Gaza

Kamakailan ay trending ang social media personality dahil sa inilabas nitong tsaa laban sa estranged husband ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi.

Pagbabahagi ni Xian, may tatlong anak raw ang aktor subalit hindi lahat ay nabibigyan nito ng sustento.

Pawang ang anak lang nito sa aktres na si Cristine Reyes ang nabibigyan nito ng suporta at tila inabandona raw ang responsibilidad sa mga naunang anak.

Dagdag pa ni Xian, gumagamit raw ng pekeng PWD (Persons With Disability) ID na siyang ipinost niya sa social media. Makikitang may “hearing” disability siya base na rin sa nasa ID.

Mukhang wala talagang balak si Xian na tantanan ang aktor dahil muli pa itong naglabas ng chika sa social media ukol sa pagkakaroon ng new dyowa nito.

“So eto na nga ang chesmes mga Mars! Three days after mag-out ni Cristine Reyes at Marco Gumabao, ang ex-husband (na kumita ng milyones sa annulment) ay may pa-couple tattoo with her present girlfriend! Ha-hahaha! Ang sweet nemen! Sene ell!

““Ang analysis ng Mosang Supreme Council of the Philippines (MSCP), isa lamang itong defense mechanism upang hindi maapakan ang kanyang ego at hindi siya tawaging loser dahil ‘di hamak na mas pogi ang ipinalit sa kanya na si Baby Marco!” sey ni Xian.

Dagdag pa niya, “Ang nasabing 3-time world champion sa hindi pagsusustento ay mayroong 20 years old na anak sa Estados Unidos na hindi niya sinuportahan mula pagkapanganak.”

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ni Ali hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Xian Gaza ayaw tantanan si Ali Khatibi: ‘May pa-couple tattoo with her present GF! Ang sweet nemen! Sene ell!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza sinupalpal ng ex-dyowa: Hindi ka lang scammer, oportunista ka pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending