Socmed personality Antonette Gail nagpa-surgery ng ilong matapos tumama ang mukha sa lamp shade; Whamos Cruz nakiusap sa bashers

Socmed personality Antonette Gail nagpa-surgery sa ilong matapos tumama ang mukha sa lamp shade

Antonette Gail at Wham’s Cruz

INOPERAHAN sa ilong ang social media personality at content creator na si Antonette Gail del Rosario kamakailan lamang.

Sa video na kanyang in-upload sa kanyang social media account ay makikitang may tapal pa ang kanyang ilong, patunay na dumaan nga siya sa isang nose procedure.

Pero agad namang nilinaw ng fiancée ng isa pang vlogger na si Whamos Cruz na hindi siya nagparetoke ng ilong tulad ng inaakala ng ilang netizens.


Paliwanag ni Antonette, kinailangan niyang magpa-nose surgery matapos mabalian ng buto sa ilong habang nag-aayos ng ilaw sa kanilang bahay.

Hindi raw sinasadyang nadulas siya at mahulog hanggang tumama ang kanyang mukha sa lamp shade sa loob ng kanilang kuwarto at napuruhan nga ang kanyang ilong.

Baka Bet Mo: Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Kuwento ni Antonette, si Doc Yappy ng The Icon Clinic ang gumamot sa ilong niya. Ayon sa doktor, ang nangyari sa socmed influencer matapos maaksidente ay ang tinatawag na “deviated nasal septum.”

Pero base sa mga nabasa namin sa comment section ng ibinahaging video ng celebrity couple, mukhang hindi naniniwala ang ilang netizens na nagpa-surgery si Antonette dahil sa aksidente.


Ang feeling nila, baka raw balak talaga nitong magparetoke ng ilong. Kaya naman to the rescue agad ang dyowa ni Antonette na si Whamos.

“Manood maigi bago mag-comment lalo na sa mga di nagtatapos ng vlog jan tapusin n’yo nang malaman n’yo kung baket nagpaayos,” ang pahayag ni Whamos.

Pagsang-ayon naman ni Antonette sa kanyang future husband, “Kaya po ako nagpaayos ng ilong dahil may bali pong buto sa loob ng ilong ko gawa ng naaksidente ako.”

Pagtatanggol naman ng mga tagasuporta ng dalawa, huwag na raw nilang patulan ang bashers at wala silang dapat ipaliwanag sa mga ito.  Karapatan daw nila ang gawin kung ano ang gusto nila hangga’t wala silang inaapakan at inaagrabyadong tao.

Antonette Gail sa babastos at bababoy sa kanilang Baby Meteor: Ipaparanas ko sainyo maghimas rehas!

Ivana pinasundo ang helper gamit ang chopper, tinupad ang pangarap na magpaayos ng ilong

Read more...