PAGASA: 10 hanggang 14 na bagyo ang aasahan sa bansa ngayong taon

Balita featured image

TINATAYANG aabot sa sampu hanggang labing-apat na bagyo ang inaasahan sa ating bansa ngayong taon.

Ayon ‘yan mismo sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Bagamat dalawang buwan pa bago magsimula ang panahon ng tag-ulan, sinabi ni senior weather specialist Rusy Abastillas na posible nang magkaroon ng mga bagyo pagdating ng Mayo.

“On average, we expect 10 to 14 tropical cyclones from May to October 2023,” sey ni Abastillas sa isang online climate forum.

Base pa sa kanyang report, dalawa hanggang apat na bagyo ang posibleng pumasok sa mga buwan ng Mayo hanggang Hulyo, may anim hanggang siyam naman pagdating ng Agosto hanggang Oktubre.

Bukod pa sa tropical cyclones, ilan pang sama ng panahon na posibleng makaapekto sa ating bansa sa susunod na anim na buwan ay ang tinatawag na “ridge of the high-pressure area (HPA),” localized thunderstorms, at easterlies.

“The prevailing weather system is the ridge of the high-pressure area — which is why we are having the hot weather and this could continue until May — and the prevailing easterlies that trigger severe localized thunderstorms,” sey ng senior weather specialist.

Ayon sa weather bureau, mararanasan ang epekto ng southwest monsoon o habagat sa Hunyo.

Habang ang simula ng rainy season ay sa darating na Hulyo.

Matatandaan noong April 11 nang maitala ang kauna-unahang bagyo sa bansa ngayong taon na si Amang.

Read more:

9 tips para makatipid ng tubig sa panahon ng tag-init 

Read more...