Sunshine Dizon sa yumaong ama: No matter how old I get, I will always be your little girl!

Sunshine Dizon sa yumaong ama: No matter how old I get, I will always be your little girl!

PHOTO: Facebook/Miss Sunshine Dizon

PATULOY na nagluluksa ang aktres na si Sunshine Dizon dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Isagani Bengson Dizon Jr.

Magugunitang ibinahagi ni Sunshine ang malungkot na balita noong March 21 sa kanyang social media.

At nitong April 29 ay ibinandera naman niya ang “inurnment ceremony” para sa yumaong ama.

Kwento pa ni Sunshine sa kanyang Instagram post, nagkasabay ang graduation ng kanyang anak na si Doreen, pati ang inurnment ng kanyang tatay na napanood lamang niya sa pamamagitan ng video call software program na “Zoom.”

“Bittersweet day for me. I attended Doreen’s graduation while watching Papa’s inurnment via Zoom,” caption niya.

Sey pa niya, “Thanking the heavens for the moderate traffic that allowed us to join the family for lunch on time.”

Sinabi rin ng aktres na kailan man ay hindi niya magagawang makapag-move on, pero panatag na ang kanyang kalooban na nagpapahinga na ang kanyang ama kasama ang kanyang lolo at lola.

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon kinukwestiyon pa rin ang sarili sa paghihiwalay nila ng asawa: Saan ako nagkulang?

Saad sa IG post, “I will never get over this loss, but somehow, I am comforted, knowing Papa is now resting with Lola Ched and Lolo Sonny.”

“I love you, Papa. Please watch over us and hug Lola Ched and Lolo Sonny for us [white dove emoji],” aniya pa.

Sa isang Facebook post naman ng batikang aktres ay lubos niyang pinasalamatan ang pagmamahal na ibinigay ng kanyang ama.

Sabi pa niya kay Tatay Isagani, hindi malilimutan ng buong pamilya at ng mga kaibigan ang mga kabutihan na ginawa niya.

“Thank you Papa for 70 years of your life that you have shared with us. Your love and devotion to your family, children and your kindness to your friends will never be forgotten,” sey niya sa Facebook post.

Chika pa niya, “After hearing all the stories from our family, relatives and your friends I realized that your main language of love is acts of service.”

“Your legacy is one of love, kindness, and generosity, and it’s a legacy that will continue to live on in the hearts of those who knew and loved you,” dagdag pa.

Sa huli ay binaggit din ni Sunshine na forever siyang magiging papa’s girl.

“Know that no matter how old I get I will always be your little girl, my Papa’s girl. I love you Papa [red heart emoji],” sambit niya.

Related Chika:

Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso

Read more...