Lolit Solis pinuri si Iza Calzado: Hindi niya ipinagdadamot sa followers ang paglaki ng anak | Bandera

Lolit Solis pinuri si Iza Calzado: Hindi niya ipinagdadamot sa followers ang paglaki ng anak

Pauline del Rosario |April 29,2023
facebook
share this

Lolit Solis pinuri si Iza Calzado: Hindi niya ipinagdadamot sa followers ang paglaki ng anak

Pauline del Rosario - April 29, 2023 - 04:09 PM

Lolit Solis pinuri si Iza Calzado: Hindi niya ipinagdadamot sa followers ang paglaki ng anak

Lolit Solis, Iza Calzado

MUKHANG ikinatuwa ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang ginawang pa-face reveal ng aktres na si Iza Calzado sa anak na si Baby Amihan kamakailan lang.

Nagpahayag kasi si Manay Solis ng papuri sa aktres at sinabihan itong hindi madamot pagdating sa anak.

“Alam mo Salve maganda iyon ginagawa ni Iza Calzado Wintle na share niya ang mga photos ng anak niya sa public,” caption sa Instagram post ng talent manager.

Aniya pa, “Iyon hindi niya ipinagdamot sa mga followers niya na makita ang unti unting paglaki ng anak.”

Nabanggit din niya ang mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano na panay post din sa kanilang anak.

“Ganuon din sila Lucky Manzano at Jessy Mendiola. Kasi nga hindi tulad ng ibang stars na parang ipinagdadamot ang mga photos ng anak nila,” sey niya.

Sabi ni Manay Solis na dapat lang maging updated sila dahil isa rin sa inaabangan ng sa followers at fans ay ‘yung paglaki ng kanilang mga anak.

Baka Bet Mo: Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Palagay ko dapat lang dahil sa dami ng followers nila na nagmamahal sa kanila, gusto din ng public na nakikita ang paglaki ng mga anak ng celebrity na kanilang hinahangaan. Iyon bang lumalaki sila under their eyes,” pagpapahiwatig ng kolumnista.

Naging halimbawa pa niya ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nasaksihan ang mga ganap sa kanilang pamilya.

Chika niya, “Gaya ng pagmamahal nila sa mga anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na sila Zia at Sixto.”

“Parang anak ng bayan ang mga batang celebrity. Natutuwa sila makita kahit lang sa mga litrato lang,” lahad niya sa post.

Patuloy pa niya, ““Future idols din kasi mga anak ng celebrities. At tiyak na sa kanilang paglaki parang feeling ng bayan part sila sa pagpapalaki sa mga ito.”

“Ganyan pag anak ka ng mga popular na parents. Bata pa lang, celebrity ka na. Bongga [smiling face with hearts emoji],” saad sa IG.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Scarlet Snow pangarap na maging pulis paglaki, bakit kaya?

Julia sa mga biktima ng pambu-bully: Stand up for yourself at ipagdasal n’yo sila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending