Enrique Gil dinenay na naghiwalay na sila ni Liza Soberano: I love her to death | Bandera

Enrique Gil dinenay na naghiwalay na sila ni Liza Soberano: I love her to death

Therese Arceo |April 26,2023
facebook
share this

Enrique Gil dinenay na naghiwalay na sila ni Liza Soberano: I love her to death

Therese Arceo - April 26, 2023 - 04:39 PM

Enrique Gil dinenay na naghiwalay na sila ni Liza Soberano: I love her to death

MAPAPANATAG na ang mga fans nina Enrique Gil at Liza Soberano dahil walang katotohanan ang mga chikang hiwalay na sila.

Ito ay diretsahang inamin ng aktor sa kanyang muling pagbabalik sa bakuran ng ABS-CBN matapos ang halos tatlong taong pagpapahinga sa showbiz.

Highlight sa “TV Patrol” nitong Martes, April 25 ang muling pagpirma ni Enrique ng two-year exclusive contract sa Kapamilya network at dito nga ay natanong siya patungkol sa bagong landas na tatahakin at siyempre hindi mawawala ang mga tanong na na may kaugnayan sa kanyang girlfriend at ka-love team na si Liza Soberano.

Buhat kasi nang magpahinga sila sa pag-aartista dala na rin ng pandemya, maraming beses naging sentro ng usap-usapan ang dalawa kalakip ang isyu ng kanilang paghihiwalay.

Naging madalang na kasi ang pagbabandera nila Enrique at Liza sa isa’t isa sa social media dahil na rin sa pagiging magkalayo ng dalawa.

Noon kasing nagdesisyon si Liza na gusto niyang tuparing ang kanyang “Hollywood dream” ay lumipad na ito sa Amerika para subukan ang kanyang kapalaran. Bukod pa rito ay talagang naging abala ang dalaga sa pagbisita athttps://life2.inquirer.net/wp-admin/my-sites.php pakikipag-collab sa iba pang international artists.

“We’re good, we’re good,” saad ni Enrique.

Pagpapatuloy niya, “She’s just really busy with her stuff there. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good.”

Baka Bet Mo: Enrique Gil tinawag na ‘my wife’ si Liza Soberano, nagpakasal na nga ba sa US?

Sa kabila naman ng paghihinala ng mga netizens ay ang pagpapakita ng binata ng suporta sa kanyang kasintahan.

“Hope [Soberano] is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death,” diretsang saad ni Enrique.

Dagdag pa niya, “I just really support her no matter what. I know it’s hard to go on a new path but I support her nonetheless. And who knows? You might be seeing her coming back in the near future.”

Inamin rin ni Enrique na nasanay na rin siya sa mga “hiwalayan” issue na patuloy na ipinupukol sa kanila lalo na’t parte ito ng buhay pag-aartista.

Sa mga hindi aware, seven years na ang relasyon ng dalawa at sa kabila ng tagal at layo nila sa isa’t isa, hindi naman nila pinapabayaang masira ang kanilang relasyon.

It’s hard [beingaway from her]. We don’t talk like we used to due to different time zones. But we still keep in touch and she’s good there. She has a team with her there which is really good,” sey ni Enrique.

Sa ngayon ay ang aso at baby nitong si Millie ang kanyang palaging kasama habang nasa malayo ang aktres at abala sa pag-abot at pagtupad nito sa kanyang mga pangarap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Payo ni Lolit Solis kay Enrique Gil: ‘Hindi dapat nakaposte lang sa isang partner, dapat umikot sa iba pang leading ladies’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending