Vilma, Boyet never pang nag-away sa ilang dekadang pagtatambal sa pelikula: 'Hindi namin pinatulan ang mga nang-iintriga sa amin' | Bandera

Vilma, Boyet never pang nag-away sa ilang dekadang pagtatambal sa pelikula: ‘Hindi namin pinatulan ang mga nang-iintriga sa amin’

Ervin Santiago |April 25,2023
facebook
share this

Vilma, Boyet never pang nag-away sa ilang dekadang pagtatambal sa pelikula: ‘Hindi namin pinatulan ang mga nang-iintriga sa amin’

Ervin Santiago - April 25, 2023 - 07:24 AM

Vilma, Boyet never pang nag-away sa ilang dekadang pagtatambal sa pelikula: 'Hindi namin pinatulan ang mga nang-iintriga sa amin'

Vilma Santos at Christopher de Leon

KNOWS n’yo ba na sa ilang dekadang pagsasama nina Vilma Santos at Christopher de Leon bilang magkatrabaho at magkaibigan ay never pa silang nag-away?

Walang matandaang sitwasyon at insidente sina Ate Vi ay Boyet na nagkagalit o nagkasamaan sila ng loob sa haba ng panahon na pinagsamahan nila sa showbiz industry.

Sa presscon ng kanilang reunion movie na “When I Met You In Tokyo” kamakailan ay natanong nga ang dalawang movie icon kung may pagkakataon bang nag-away sila o nagkatampuhan habang may ginagawang proyekto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)


Unang sumagot si Vilma, “I think talaga it’s the respect talaga that we have for each other. Nag-away or misunderstanding, parang wala, wala akong maalala.

“Dalaga’t binata pa lang kami, parang wala. Saka di namin pinatulan ang mga nang-iintriga sa amin,” pahayag pa ng nag-iisang Star For All Seasons.

Kung hindi kami nagkakamali, huling nagkasama sina Ate Vi at Boyet sa pelikulang “Mano Po III: My Love” na ipinalabas noong 2004 under Regal Films.

Baka Bet Mo: Dimples late nang nalaman na buntis uli: Grabe, antok na antok ako kaya sabi ko, pa-check na kaya ako

Samantala, natanong din ang award-winning actress kung nag-aalala rin siya na baka wala na silang bagong maipakita at maibigay sa kanilang mga supporters dahil sa dami na rin ng nagawa nilang pelikula.

Sagot ni Vilma, “Hindi ako nag-iisip ng ganu’n, e, because naniniwala ako na even as you grow older, let’s say nag-mature ka, you never stop.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vilma Santos Recto (@rosavilmasantosrecto)


“Nanonood ako ng mga Hollywood films, yun ang peg ko. Even as you grow older, that doesn’t mean you will stop.

“At sa team namin ni Yetbo (binaligtad na Boyet), ano ito, e, Love team for All Seasons kami. Malay mo after this, pag eighty na kami, may movie kami uli. Malay ninyo, nothing is impossible,” katwiran pa niya.

Makakasama rin sa pelikula sina Gina Alajar, Tirso Cruz III at Lotlot de Leon, with Cassy Legaspi and Darren Espanto.

Sey ni Ate Vi tungkol kina Cassy at Darren, “We’re excited, it’s nice to have mga… hindi naman sila mga newbies, but at least may mga bagets din kaming kasama at ang gaganda naman ng mga roles nila.

“Yung totality ng movie, hindi naman puwede na kaming dalawa lang ni Yetbo, hindi ba? We’re very honored na mayroon kaming kasama tulad ni Darren at ni Cassy so masaya kami na kasama namin sila sa movie.

“Hindi kami kasama nu’ng nag-shoot sila, e, but soon we will meet them,” sabi pa ng beteranang aktres.

Nagtungo sa Japan ang cast at production staff kamakailan para sa shooting ng pelikula na iprinodyus ng JG Films, Inc..

2 aktor nag-away dahil kay Mikee Cojuangco: ‘Hindi ako kinikilig at hindi ako natutuwa…at inaaksaya n’yo ang oras ko’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gladys ibinandera ang halos 3 dekadang relasyon nila ni Christopher: Yes, it’s possible, it wasn’t easy but…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending