Pagkanta ni Julie Anne ng 'Voltes V: Legacy' theme song pak na pak sa mga fans: 'Proud moment for me!' | Bandera

Pagkanta ni Julie Anne ng ‘Voltes V: Legacy’ theme song pak na pak sa mga fans: ‘Proud moment for me!’

Ervin Santiago - April 23, 2023 - 08:15 AM

Pagkanta ni Julie Anne ng 'Voltes V: Legacy' theme song pak na pak sa mga fans: 'Proud moment for me!'

Julie Anne San Jose

ISA sa mga dapat abangan sa most epic primetime series ngayong taon ang pagkanta ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa theme song ng “Voltes V: Legacy.”

Para sa mga nakapanood na ng special edit ng serye via “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience,” talaga namang amazing ang ipinakitang husay ni Julie Anne na kumanta in Japanese! Major anime vibes ba kamo?!

In fairness, talagang tumayo ang balahibo namin nang patugtugin na ang theme song habang ipinalalabas ang movie version ng “Voltes V: Legacy”. Pak na pak talaga ang pagkakakanta rito ni Julie Anne.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


Komento ng isang netizen sa GMA Network YouTube account, “Sobrang bagay sa boses ni Julie Anne! Multi-instrumentalist, singing multilingual songs! Limitless talaga, wala kong masabi! Congrats, Julie Anne! Versatile at napaka-talented mo!”

Very grateful naman si Julie Anne sa mga natatanggap na positive comments, “This is definitely a great opportunity that can’t be missed. And the fact that I have been receiving positive feedback from the OG fans about my rendition is such a relief and a proud moment for me.”

Aminado rin si Julie Anne na fan siya ng “Voltes V” kaya isang karangalan daw na maging parte ng groundbreaking project na ito ng GMA Network.

Baka Bet Mo: ‘Voltes V: Legacy’ team, sasabak na sa lock-in taping; Aicelle maraming nadiskubre bilang mommy

“I myself am a fan of Voltes V, especially when I was a kid. Voltes V: Legacy is one of the most anticipated GMA shows this year and I still can’t believe that they have entrusted me to sing its very nostalgic and iconic theme song.

“I am truly honored and grateful to be part of this remarkable project,” dagdag pa ng Asia’s Limitless Star.

Mula sa pagganap bilang Maria Clara hanggang sa pagkanta ng iconic Japanese theme song, muli na namang pinatunayan ni Julie Anne ang kanyang galing at talento bilang isang performer at artista.

Panoorin ang sneak peek ng serye sa SM Cinemas hanggang April 25. Abangan din ang much-awaited premiere ng “Voltes V: Legacy” sa GMA Telebabad this May 8 na!

Ito’y pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores at Rafael Landicho, mula sa direksyon ni Mark Reyes.

* * *

Hindi lang galing sa pag-arte at pagpapasaya ang kayang ipakita ng ilan sa hottest Kapuso artists kundi maging ang husay nila sa loob ng volleyball court. Kayanin kaya nilang makalaro ang mga star players ng NCAA?

Isang exciting na bakbakan ang dapat abangan ng Kapuso fans sa GMA NCAA All-Star Volleyball Games ngayong Linggo (April 23) sa FilOil EcoOil Arena.

Abangan sina Shaira Diaz, Cassy Legaspi, Angela Alarcon, Lyra Micolob, Carlo San Juan, Prince Clemente, Kristoffer Martin at Bruce Roeland kasama ang ilan sa mga hinahangaang volleyball players mula NCAA.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CASSY LEGASPI (@cassy)


Hindi ito dapat palagpasin dahil dito niyo lang makikitang mag-spike, serve, block, at marami pang iba ang paborito niyong Kapuso artist! Mapapanood ang GMA NCAA All-Star Volleyball Games sa GTV ngayong araw, April 23, sa ganap na ika-12 ng tanghali.

Sagot ni Derek sa planong pagpapakasal kay Ellen: Makikita n’yo na lang ‘yan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending