Malacañang may pa-concert kada 3 buwan, ang unang pagtatanghal ‘dedicated’ sa AFP
NAGPAPLANO ang Malacañang na magkaroon ng concert series kada tatlong buwan, ayon sa creative consultant ng “Konsyerto sa Palasyo” na si Cris Villonco.
Sa Laging Handa Briefing nitong April 21, sinabi ni Villonco na ito raw ay para ipakita ang talento at galing ng mga Pinoy pagdating sa pagtatanghal.
“We are planning every three months, mag-showcase po,” sey ni Villonco.
Paliwang niya, “So that means every three months may new program, new show, new set of artists, and sana din po another part ng grounds ng Malacañang.”
Nilinaw pa ng creative consultant na walang ticket ang isasagawang serye ng event.
“Maraming nagtatanong if this is a ticketed event. No, and it will never be a ticketed event,” dagdag niya.
Baka Bet Mo: 9 tips para makatipid ng tubig sa panahon ng tag-init
Ang unang “Konsyerto sa Palasyo” ng Malacañang ay magaganap ngayong April 22 na kung saan ay naglalayon itong kilalanin ang serbisyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Magsisimula ang pagtatanghal ng 6:30 p.m. at pwede ring mapanood sa pamamagitan ng Facebook Live sa FB page ng Office of the President at Radio Television Malacañang.
Inaasahan na aabot sa 400 na miyembro ng AFP ang dadalo sa unang concert series, bukod pa ang kasama nilang pamilya.
“We will have 400 members of the Armed Forces of the Philippines watching together with the president and the first lady doon po sa [in the] Malacañang grounds,” pagkumpirma ni Villonco.
Hindi lang mga singer ang tampok sa nasabing event, mayroon ding dancers, instrumentalists, rappers, at spoken word and movement artists na nagmula pa sa Cebu, Ilocos Norte, Quezon, Cavite, Iloilo, Davao, at Metro Manila.
“Filipinos are naturally talented, creativity is in their blood. So let’s recognize them and support them because every beginning has promise,” sambit ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang video message.
Read more:
DICT ‘nagmatigas’ sa deadline ng SIM registration: Hindi na pwedeng ma-extend ang pagpaparehistro
Maynilad: Ilang bahagi ng NCR, Cavite mawawalan ng tubig hanggang April 23
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.