Maynilad: Ilang bahagi ng NCR, Cavite mawawalan ng tubig hanggang April 23
NAG-ABISO ang Maynilad Water Services Inc. na magkakaroon ng “water supply interruptions” o kawalan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite.
Nagsimula na ‘yan nitong April 16 at magtatagal ng hanggang April 23.
Ayon sa inilabas na advisory ng water company, ito ay dahil sa isinasagawang paglilinis ng kanilang water treatment plants.
“Our customers in portions of Bacoor City, Imus City, Las Pinas City, Muntinlupa City, Paranaque City and Pasay City will have daily water service interruption from April 16, 2023 until April 22, 2023 and April 23, 2023, as we complete the ongoing intensified cleaning of filters at the Putatan Water Treatment Plants,” saad sa pahayag ng Maynilad.
Sinabi pa ng kumpanya na nagsimula nang bumaba ang kalidad ng tubig sa Laguna Lake at ang paglilinis ng filter ay mas tumagal kaysa sa inaasahan.
“Due to this, we have to extend our maintenance activities at the plants. Normal operations will be restored once the cleaning of the filters is completed,” dagdag ng Maynilad.
Baka Bet Mo: 9 tips para makatipid ng tubig sa panahon ng tag-init
Panawagan ng kompanya sa kanilang customers na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig.
Paalala rin nila na sakaling bumalik na ang water supply services ay hayaan muna itong dumaloy hanggang sa luminaw na ang tubig.
“We encourage our affected customers to store enough water when supply is available. Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears,” saad nila.
Tiniyak din ng Maynilad na nag-deploy na sila ng water tankers sa mga apektadong lugar upang mabigyan pa rin ng suplay ng tubig ang kanilang customers.
Anila, “Our mobile water tankers are also doing the rounds of the affected areas to deliver potable water, and stationary water tanks are installed in several areas.”
Read more:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.