Toni Fowler emosyonal sa muling pagkikita nila ng tunay na ina: ‘Napakasarap sa pakiramdam…’
HINDI na napigilang umiyak at maging emosyonal ng vlogger at content creator na si Toni Fowler sa kanyang latest YouTube video.
Nakasama na kasi niya ang kanyang tunay na ina na si Mommy Gemma, isang OFW sa Amerika.
Sa isang Facebook post, proud na ibinandera ni Toni ang pagkikita nila ng kanyang ina at kalakip ang caption na, “BUONG PAGKABATA KO HINDI KO NAKASAMA NANAY KO [sad face emoji].”
Aniya pa, “sobrang saya ng puso ko na nakauwi ka na ng pinas mommy [crying face emoji]
Ang memorable moment ng kanilang pagkikita ay mapapanood din sa kanyang YouTube vlog.
Kwento pa ng content creator, Bata pa sila nang iwan ng kanyang totoong nanay upang magtrabaho sa ibang bansa.
Kung bibilangin nga raw ay halos apat na beses pa lang sila nagkakasama ni Mommy Gemma.
Baka Bet Mo: Toni Fowler: Sinira ko ‘yung sarili ko para maging maayos ka lang, anak
“After ng Holy Week, umuwi na po ang nanay ko sa Pilipinas. Alam ko, marami ang nagtatanong, ‘sino ba talaga ang nanay mo?, ‘ano ang itsura niya?,’ ‘bakit may nanay-nanayan ka sa Facebook?’ Ito po ‘yun,” sey ni Toni sa video.
Chika pa niya, “At alam niyo ba na fourth time ko na lang po nakasama sa buong buhay ko ang nanay ko.”
“So gusto kong i-share sa inyo na napakasarap ng pakiramdam na makasama mo ulit ang biological mother mo,” aniya.
Makikita sa video ang emosyonal na pagsundo ng pamilya ni Toni sa kanilang ina sa airport at halos lahat sila ay napaiyak nang makita si Mommy Gemma.
Kwento ni Toni, “Tawagin natin siyang Madam Gemma at ‘yun nga po, nai-share nga po namin na ang mommy namin talaga ay OFW na matagal na panahon na…So ilang years na po.”
“Kumbaga sa ilang taon ko na sa buhay na ito, bilang na bilang lang sa aming daliri kung ilang beses namin nakasama ang aming nanay, “patuloy ng vlogger.
Dagdag pa niya, “At tulad noon, ang nanay namin ay two to three weeks lang dito sa Pilipinas. Sasaglit lang siya kasi meron pa talaga siyang trabaho at kailangan niyang bumalik ng Amerika.”
Sa bandang huli ng video ay sinagot din ni Toni ang mga katanungan ng ilang netizens kung bakit kailangan pang bumalik ng kanilang ina sa Amerika.
Sagot ni Toni, Kaya gusto pa bumalik ng mommy ko sa Amerika dahil ayaw po niyang maging pabigat.”
“Gusto po niyang magtrabaho, ayaw niya pong kami ang sumuporta sa kanya. ‘Yun nga ‘yung sinasabi niya na ‘anak, hindi ko kayo binuhay para buhayin niyo pa ako’. Hindi siya ganun.” ani pa niya.
Related Chika:
Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.