Pamu Pamorada nanganak na, ipinakilala sa publiko ang first baby: Hello world, meet my baby girl! | Bandera

Pamu Pamorada nanganak na, ipinakilala sa publiko ang first baby: Hello world, meet my baby girl!

Pauline del Rosario |April 14,2023
facebook
share this

Pamu Pamorada nanganak na, ipinakilala sa publiko ang first baby: Hello world, meet my baby girl!

Pauline del Rosario - April 14, 2023 - 11:48 AM

Pamu Pamorada nanganak na, ipinakilala sa publiko ang first baby: Hello world, meet my baby girl!

PHOTO: Instagram/@pamupamorada08

NANGANAK na ang dating “Pinoy Big Brother” graduate at aktres na si Pamu Pamorada.

Ang masayang balita ay ibinandera niya mismo sa isang Instagram post kasama ang mga pictures ng kanyang pagale-labor hanggang sa isinilang na ang kanyang Baby Zaia, ang first baby nila ng non-showbiz fiancé na si Mitchell Hapin.

Caption niya sa IG, “Hello world, meet my baby girl. Yes po, sa lahat po ng nagtatanong [kung] nanganak na po ako.” 

“So much joy and grateful heart na safe naming nalabas si baby with the help of our OB doctor, [Bev Ferrer]… Sorry, ‘di ko [na-achieve] ‘yung Jessy Mendiola giving birth beauty,” pabirong dagdag pa niya.

Naikuwento pa ni Pamu na nag-feeling “wonder woman” siya habang nanganganak bilang sumailalim siya sa “unmedicated vaginal birth.”

“Nagulat lang din ako na kaya ko pala mag-unmedicated vaginal birth. Feeling ko at that time nag-Super Saiyan ako habang nanganganak,” saad niya sa.

Baka Bet Mo: AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pamu Pamorada (@pamupamorada08)

Ibinandera rin ng kanyang fiancé na si Mitchell ang kaparehong post sa sariling IG account.

Lubos siyang nagpapasalamat dahil ligtas at malusog ang kanyang partner at baby.

“Thank you so much Lord. Safe and healthy ang mag-ina ko,” sey niya sa post.

Aniya pa, “I love you Pamu Pamorada and baby Zaia.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mitchell (butchik) Hapin 🍰🎂🍕🍤🍱🍟🍗🍖🌮🍞🍩🍪🍮 (@itsmitchellhapin)

Nagpaabot naman ng “congratulatory” messages ang ilang kapwa-artista at narito ang ilan sa mga komento nila:

“Congratulations! [red heart emoji],” sey ng aktor na si Joshua Garcia.

Comment ng aktres na si Gelli De Belen, “Awww. Congrats”

“Congratulations mama!!!!,” saad naman ng TV host and presenter na si Joyce Pring.

Matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon nang ibinalita ng aktres na officially engaged na sila ng kanyang boyfriend. 

Nag-propose si Mitchell sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding sa Tagaytay City.

Unang nakilala si Pamu nang maging housemate sa “Pinoy Big Brother Unlimited” na umere noong 2011 kung saan tinawag siyang “The Kiti-Kiti Kid of Batangas.”

Isa siya sa mga itinanghal na runner-up habang si Slater Young ang nanalong big winner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

‘2 Good 2 Be True’ actress Pamu Pamorada engaged na sa dyowang chef: ‘Sasabay lang po ako sa bagyo…’

Jessy Mendiola nanganak na sa panganay nila ni Luis Manzano bago mag-Bagong Taon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending