'2 Good 2 Be True' actress Pamu Pamorada engaged na sa dyowang chef: 'Sasabay lang po ako sa bagyo...' | Bandera

‘2 Good 2 Be True’ actress Pamu Pamorada engaged na sa dyowang chef: ‘Sasabay lang po ako sa bagyo…’

Ervin Santiago |September 26,2022
facebook
share this

‘2 Good 2 Be True’ actress Pamu Pamorada engaged na sa dyowang chef: ‘Sasabay lang po ako sa bagyo…’

Ervin Santiago - September 26, 2022 - 03:35 PM

Pamu Pamorada at Mitchell Hapin

ENGAGED na ang Kapamilya actress at dating “Pinoy Big Brother: Unlimited” housemate na si Pamu Pamorada.

Ibinandera ni Pamu sa kanyang Instagram account kahapon, September 25, ang engagement nila ng kanyang boyfriend na si Mitchell Hapin na isang chef.

Ilang litrato na kuha sa ginawang proposal ng kanyang fiancé ang ibinahagi ni Pamu sa kanyang fans at IG followers.

Ang inilagaya niya ritong caption ay, “The Lord is really faithful! My heart is full. (heart, ring emojis). In God’s perfect time tlaga. (smiling face with hearts emoji).”

Sunud-sunod naman ang mga pagbati kay Pamu mula sa mga kaibigan niyang celebrities, kabilang na ang mga co-stars niya sa seryeng “2 Good 2 Be True”.

Tuwang-tuwang nag-post ng kanilang congratulatory message kina Pamu at Mitchell sina Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Gelli de Belen, Alexa Ilacad, Alyssa Muhlach, Devon Seron, Neil Coleta, Joyce Ching at Jerome Ponce.

Samantala, isang video naman ang ibinahagi ni Pamu sa kanyang Instagram Story kung saan makikitang lumuhod sa kanyang harapan si Mitchell para ayain na siyang magpakasal.

Aniya sa caption, “SASABAY LANG PO AKO SA BAGYO (ring, heart emojis). Thank you Lord.”

View this post on Instagram

A post shared by Pamu Pamorada (@pamupamorada08)


Ang tinutukoy ng aktres ay ang pananalasa ng Super Typhoon Karding kahapon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hindi rin naman nagpahuli si Mitchell sa kanyang magiging asawa dahil nag-post din siya sa kanyang Instagram page ng mga litrato sa naganap na engagement.

Hindi napigilan ng binata ang sarili na mapaluha habang nagpo-propose kay Pamu. Aniya sa caption, “We’re officially engaged. (two hearts emoji).

“Unang una sa lahat. Thank you so much Lord sa Blessings. Yung di nako nakapag salita dahil nakita ko syang umiyak. Naluha na din ako. I Love you so much Pangsy. (two hearts emoji),” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Mitchell (butchik) Hapin 🍰🎂🍕🍤🍱🍟🍗🍖🌮🍞🍩🍪🍮 (@itsmitchellhapin)


Si Pamu ang itinanghal na Second Big Placer sa “Pinoy Big Brother: Unlimited” na umere sa ABS-CBN  noong 2012 kung saan ang idineklarang Big Winner ay si Slater Young.

Donita Rose certified chef na sa Amerika; may mga pasabog kasama si G Tongi

Iya mas confident at palaban na sa kusina; season 2 ng ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’ ihahain na

Paolo Contis nagpasalamat sa kanyang ‘chef’, pinansin ang bagong hair style ni Yen Santos

Carla Abellana, Tom Rodriguez engaged na…last year pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending