Herbert Bautista, dating city administrator nahaharap sa kasong graft | Bandera

Herbert Bautista, dating city administrator nahaharap sa kasong graft

Therese Arceo - April 13, 2023 - 10:38 PM

Herbert Bautista, dating city administrator nahaharap sa kasong graft
KASALUKUYANG nahaharap sa dalawang kaso ng graft ang actor-comedian at dating alkalde ng Quezon City Herbert Bautista.

Ito ay dahil sa diumano’y iregularidad sa mga nagdaang programa sa lungsod noong 2019 sa ilalim ng kanyang pamamahala na aabot sa halagang P57.4 million.

Ang dalawang kaso nina Herbert ay inihain sa Office of the Ombudsman at maging ang dati nitong city administrator na si Aldrin Cuña ay sangkot rin sa kaso na inaprubahan ni Ombudsman Samuel Martires noong Feb. 3, 2023.

Ang unang kaso ay ukol sa pagbibigay ng full payment na P32.107 million sa Geodata Solutions Inc. para sa diumano’y “online occupational permitting at tracking system”.

Ngunit ayon sa Ombudsman ay pinasok pa rin ni Herbert ang contract at pinayagang i-release ang bayad sa naturang kumpanya kahit na walang maayos na ordinansa mula sa Sangguniang Panglungsod.

Bukod pa rito, nilagdaan ni Cuña ang purchase request at ang obligation request para palabasing legal ang pagpapalabas ng pondo at nasa kanyang direktang superbisyon kahit na hindi nagawa ng Geodata ang naturang proyekto.

Baka Bet Mo: Roderick Paulate ‘guilty’ sa kasong graft at falsification of public documents kaugnay ng ghost employees

Ang sumunod na kaso ay ukol sa ibinayad na P25.34 million sa Cygnet Energy and Power Asia, Inc. para sa installation ng solar power system at waterproofing works para sa Civic Center Building.

Ngunit ayon sa imbestigasyon ay pinayagan ni Herbert ang paglalabas ng bayad sa Cygnet kahit bigo ito na ma-secure ang Net Metering System mula sa Manila Electric Company na requirement sa Supply and Delivery Agreement.

Ayon sa charge sheets, inaprubahan ng dating alkalde ang bayad sa dalawang kumpanya noong June 27, 2019, tatlong araw bago ito bumaba sa pwesto bilang Quezon City mayor.

P90,000 naman ang inirekomendang piyansa ng Ombudsan sa bawat kasong kinakaharap nina Herbert at Cuña.

Ayon naman sa record ng Sandiganbayan ay nag-post na ng bail ang dalawa.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Herbert Bautista at Aldrin Cuña hinggil sa kasong kinakaharap.

Related Chika:
Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: ‘Only God knows kung magkakatuluyan kami in the future or not’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending