Anji Salvacion may hugot sa isyu ng 'self-confidence': 'I just want to remind everyone that it’s not about competing' | Bandera

Anji Salvacion may hugot sa isyu ng ‘self-confidence’: ‘I just want to remind everyone that it’s not about competing’

Reggee Bonoan - April 13, 2023 - 07:39 PM

Anji Salvacion may hugot sa isyu ng 'self-confidence': 'I just want to remind everyone that it’s not about competing'

Anji Salvacion

IBIBIDA ng “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” Big Winner na si Anji Salvacion ang kanyang mas matapang at mas kaakit-akit na imahe sa kanyang bagong single na “Paraiso” na mapapakinggan na simula ngayong Biyernes, Abril 14.

Dala ng upbeat track na una niyang proyekto sa ilalim ng Tarsier Records ang mensahe ng pagpapahalaga sa self-esteem at pagyakap sa sariling kahulugan ng paraiso.

Ipinrodyus ng US-based producer na si Exale habang isinulat naman ng singer-songwriter na si Annie Lux ang awitin na tiyak magpapakita ng kakaibang musical style at paglago ni Anji bilang recording artist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by anji (@_anjisalvacion_)


“Self-confidence right now is very hard to achieve because everybody in this generation is competing with each other.

“I just want to remind everyone that it’s not about competing, it’s about going with your own pace and that’s what the song really means to me, embracing one’s self, your body, your beauty, your skin, your everything, your personality, that’s what it’s all about,” sabi ni Anji.

Baka Bet Mo: Rica emosyonal nang bumalik sa ABS-CBN building: It reminded me today of how I never wanted to be popular…

Ikinuwento rin niya ang kanyang reaksyon nang mapakinggan niya ang awitin sa unang pagkakataon.

“Yung pag-record namin sobrang nakakatuwa siya ‘cause when I first heard the song it made me confident about myself, it made me love myself even more so I want everyone to love themselves even more. If you’re hearing this everyone, love yourself,” saad pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by anji (@_anjisalvacion_)


Bukod sa pagiging “singing sweetheart ng Siargao” sa “PBB,” nakilala rin si Anji sa pagsali niya sa unang season ng “Idol Philippines” noong 2019.

Mas naipakita naman niya ang talento sa pagkanta nang inilabas niya ang mga awiting “Buo” na naging bahagi ng teleserye na “Marry Me, Marry You,” “Keeps on Coming Back” na napakinggan sa IWantTFC series na “Unloving U,” at “Don’t Be Afraid” na mula sa drama series na “My Sunset Girl.”

Dagdag pa rito, isinulat rin niya ang anim na awitin ng kanyang debut EP na “Kasingkasing Dalampasigan” na inilabas nitong nakaraang taon.

Umani ang key track nito na “Dalampasigan” ng mahigit dalawang milyong stream sa iba’t ibang platforms habang pumalo naman sa mahigit 4.5 milyon streams ang kanyang EP sa Spotify.

Damhin ang mensahe ng “Paraiso” na mapapakinggan na ngayong araw sa iba’t ibang digital music platforms.

Bubbles Paraiso nairita sa isang airline company, two-week old bike nasira dahil sa mishandling

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ni PBB 10 Top 2 Anji Salvacion: Sana makasama ko ang family kong kumanta sa concert ko para mas maging special…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending