Ruru Madrid may pa-real talk sa lahat ng hindi masaya sa pag-asenso ng iba: 'May mga taong gagawin ang lahat para lang hilahin ka pababa' | Bandera

Ruru Madrid may pa-real talk sa lahat ng hindi masaya sa pag-asenso ng iba: ‘May mga taong gagawin ang lahat para lang hilahin ka pababa’

Ervin Santiago - April 13, 2023 - 07:01 AM

Ruru Madrid may pa-real talk sa lahat ng hindi masaya sa pag-asenso ng iba: 'May mga taong gagawin ang lahat para lang hilahin ka pababa'

Bianca Umali at Ruru Madrid

SINO nga kaya ang pinatatamaan ng Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid sa makahulugang post niya sa Twitter nitong nagdaang Miyerkules ng gabi?

Tila malalim ang pinaghuhugutan ng boyfriend ni Bianca Umali sa cryptic message nito tungkol sa mga taong bitter at hindi masaya sa tagumpay na tinatamasa ng kanilang kapwa.

Isang pa-real talk na tweet ang ibinahagi ni Ruru sa Twitter pero hindi nga siya nagbanggit ng mga pangalan kung para kanino ang kanyang napakalalim na hugot.

Ang post ni Ruru, “May mga tao na sadyang di lang masaya sa tuwing may mga umaasenso sa buhay… kaya gagawin nila ang lahat para lang hilahin ka pababa. #RealTalk.”

Narito ang mga nabasa naming comments mula sa kanyang Twitter followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“True naman yan! Pero dedma na sa mga yun. Mahalaga marami kaming nagmamahal sayo at naka support sa lahat ng ginagawa mo. Diba Rurunatics?”

“Mahal na mahal ka namin @Rurumadrid8 nandto lang kami palagi for you never ka naming iiwanan palagi lang kaming nasa likod mo naka suporta Sayo Kasama mo kami hanggang sa dulo.”
“Sad but true, that’s the reality. Gusto lang nila sila lang umaangat, kaya kapag may umaangat na ibang tao, gagawin nila lahat para hilahin ulit pababa.”

Baka Bet Mo: Ruru Madrid hindi nagpa-double sa ‘Lolong’: Lahat ng buwis-buhay stunts ako ang gumawa

“Mabigyan nga yan ng ginisang ampalaya w/ ampalaya juice para hindi nangengealam sa mga umaasenso.”

“Shakit naman nyan……sakit naman nyan kuya Ru.”

“Oo nga eh hayaan mo na lang sila basta bagay na bagay kayo ni Bianca hehe.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Sa isang panayam sa binata, naikuwento nito na ipatatayo na niya ang pangakong bahay para sa kanyang pamilya at kapag natapos na ito ay ang dream house naman nila ni Bianca ang kanilang pagtutuunan ng pansin.

“Yung isa para po sa pamilya ko. Iyon po yung dream house ko for them. And then, after that, pag once na matapos ko na po yun, ayun na, siyempre po para sa aking susunod na pamilya,” ani Ruru na obviously ay si Bianca nga ang kanyang tinutukoy.

Sey pa ng binata, “Parang simula nu’ng kumikita na ako. Siyempre, hindi naman kami galing sa mayamang pamilya, ayoko nang hayaang bumalik yung buhay na nahihirapan na ang pamilya ko.

“Sinabi ko talaga sa simula na nagtrabaho ako, kahit na gaano ito nakakapagod, kahit na dugo’t pawis ang inaalay ko dito, okay lang sa akin basta mabigyan ko ng magandang buhay yung pamilya ko, at yung magiging pamilya ko na susunod sa buhay ko,” aniya pa.

Apat na taon na ngayong magkarelasyon sina Bianca at Ruru kaya abangers na ang kanilang mga fans kung kailan magaganap ang kasalan.

Sarah G sure na sure na ang pagbabalik-ASAP; Twitter account ni Ruffa naka-private na para iwas-bashers

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruru, Bianca tanggapin kaya ang offer na maging host sa ‘bagong Eat Bulaga’ kahit wala na sina Tito, Vic & Joey?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending