Sarah G sure na sure na ang pagbabalik-ASAP; Twitter account ni Ruffa naka-private na para iwas-bashers
MGA followers na lang ni Ruffa Gutierrez ang makakabasa o makakakita sa mga ipinopost niya sa Twitter dahil ginawa na niya itong pribado.
Taong 2009 pa nagsimula sa paggamit ng Twitter ang TV host-actress pero ngayong 2022 lang niya ito ginawang pribado para na rin makaiwas sa mga gumagawa sa kanya ng isyu at ita-tag pa siya.
Hindi nga naman nakaka-good vibes yun para kay Ruffa na halos araw-araw ding gumagamit ng social media.
Curious lang kami kung isa sa followers niya ang taong hindi siya tinatantanang gawan ng isyu dahil kung napindot niya ang button para ma-follow niya si Ruffa ay malamang mababasa pa niya.
Pero duda kami dahil malamang naka-block na siya sa aktres.
Anyway, sa kabila ng mga nangyayaring isyu ngayon kay Ruffa ay nakatanggap naman siya ng dalawang projects na ipinost niya sa kanyang Instagram account at tiyak na hindi rin mababasa ng basher niya dahil hindi ito naka-follow sa kanya.
Ang post ng aktres, “I just received 2 new offers today. Plus a throng of good news (praying hands emoji).
“For those who are going through a difficult time, rise above the storm and you will find the sunshine. #ToGodBeTheGlory,” aniya pa.
Samantala, malaman ang huling tweet ni Ruffa kagabi, “Piliin mo pa rin ang ngitian sila sa kabila ng paninira nila. 3 million hugs to all of you. Let’s practice the art of deadma. #Blessed ”
Ang daming nag-agree sa sinabing ito ng aktres.
* * *
Matapos mabalitang hindi tuloy si Sarah Geronimo sa GMA 7 ay heto at naglabas na ng press release ang Kapamilya network na magbabalik na siya sa “ASAP Natin To” ng ABS-CBN.
Ayon sa kausap namin ay wala pa siyang petsang masasabi kung kailan muling mapapanood si Sarah sa “ASAP” pero sure na sure na raw ito dahil inanunsyo na ang balita sa pamamagitan ng 15 seconds video post sa Instagram account ng ASAP Official.
“The long wait is over. She’s back. Soon,” ang caption sa litratong ipinost nila sa social media.
View this post on Instagram
Huling napanood si Sarah G sa “ASAP” noong 2020. Hindi na siya nakadalo sa “ASAP” Christmas episode at sa 26th anniversary ng ABS-CBN noong Pebrero, 2021 na napanood sa TV5.
https://bandera.inquirer.net/308187/ruffa-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-herbert-1-sa-puso-ko
https://bandera.inquirer.net/305007/zsa-zsa-biglang-napaiyak-pagkatapos-kumanta-kasama-sina-regine-at-angeline
https://bandera.inquirer.net/313254/sagutan-nina-andrea-kitty-sa-twitter-fake-news
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.