TokTok kinilalang 2022 Transport App of the Year sa VP Choice Awards
KARAGDAGANG karangalan ang tinanggap ng House of Franchise (HOF) mula sa Village Pipol (VP) Choice Awards.
Kinilala bilang “Transport App of the Year in 2022” ang TokTok, na isa sa mga pinakamatagumpay na HOF brands dahil sa pag-aalok ng safe at hassle-free deliveries at transportasyon. Tinalbugan pa ng TokTok ang Grab, Joyride, OWTO at Move It.
Ang bagong pagkilala sa TokTok ay kasunod nang pagkilala noong 2021 bilang “best and fastest courier franchise delivery service” ng Golden Globe Awards for Business Excellence.
Noong nakaraang taon, inilunsad ng HOF ang TokTokGo bilang bagong player sa transport apps at ito ay nag-aalok ng mabilis at ligtas na transportation at delivery services.
Sa VP Choice Awards kinikilala ang pinakamahusay sa industriya ng travel, lifestyle, entertainment, technology at pagnenegosyo.
Dumaan ang mga pinarangalan sa 30-day voting period ng panel of experts kasunod ang masusing proseso ng deliberasyon noong Marso 9 bago isinapubliko ang mga nanalo sa VP Choice Awards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.