Lolit Solis sa 'Hollywood dream' ni Liza Soberano: Parang shoot to the moon | Bandera

Lolit Solis sa ‘Hollywood dream’ ni Liza Soberano: Parang shoot to the moon

Therese Arceo |April 11,2023
facebook
share this

Lolit Solis sa ‘Hollywood dream’ ni Liza Soberano: Parang shoot to the moon

Therese Arceo - April 11, 2023 - 06:50 PM

Lolit Solis sa 'Hollywood dream' ni Liza Soberano: Parang shoot to the moon
NAGBIGAY pahayag ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ukol sa mga artistang pangarap ang sumikat sa Hollywood.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang opinyon ukol rito.

“Ayoko naman maging killjoy sa mga artista na pinapangarap makapasok sa Hollywood, Salve. Mula pa nuon ang dami ng nangarap na sana mapansin para magkaruon ng chance na makasali sa isang international movie,” umpisa ni Lolit.

Dito ay nabanggit ng talent manager ang isa sa mga kontrobersyal na personalidad ngayon na si Liza Soberano.

Pagpaptuloy ni Lolit, “Iyan ngayon ang dream ni Liza Soberano. Feeling niya magagawa ng talent agency ni James Reid. Ok lang, baka sakali, malay mo. Pero sa tutoo lang, parang shoot the moon kasi dahil matagal na at marami na ang nangarap, pero hangga ngayon wala pa rin, hindi pa natutupad.”

Aniya, kung talent at ganda lang ang pag-uusapan, talaga namang may laban ang mga Filipino artists.

Baka Bet Mo: Kahit malala pa rin ang sakit…Kris Aquino agad inalam ang mga kailangan ni Lolit Solis sa pagda-dialysis

“Pero hayun nga, nauna pa mga chinese at ngayon baka Korean naman ang makapasok, pero wala parin Pinoy.

“Baka nga hindi pa natin suwerte, at malay mo nga si Liza Soberano ang mauna, who knows di ba,” sey pa ni Lolit.

Hindi raw alam ng talent manager king bakit nga ba big deal ang pagkakaroon ng karera at makilala sa Hollywood lalo na kung maganda naman ang career ng isang artista sa Pilipinas.

Ngunit sabi nga ni Lolit, iyan raw ang nangyayari sa marami, ang paniniwalang “dream big”.

“Hindi nila pinaniniwalaan iyon kasabihan na dapat pag nangarap ka iyon alam mo na puwede mo maabot, iyon tiyak magkakaruon ng katuparan.

“Hindi iyon sobra taas na hindi mo kayang marating dahil mabibigo ka lang. Dream big, aim high, kung kaya mo why not, pero kung hindi maging practical,” sey ni Lolit.

Paalala pa niya, “Pangarap na puwede mo lang marating para hindi ka mabigo. Libre naman mangarap, why not. Bongga.”

Related Chika:
Lolit Solis pinuri ang pamilya Gonzaga, Alex nagbigay ng financial help para sa kanyang medical expenses

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending